KINUWESTIYON ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang share na natatanggap ng mga kongresista mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil wala aniyang institutionalized treasurer ang mga mambabatas.
Ayon kay Lacson, hindi siya tutol kung may makukuhang share ang municipal o city mayor dahil meron itong municipal treasurer, at magiging additional budget ito sa municipal government, city government at provincial government.
Sinabi ni Lacson, engaged ang Local Government Units (LGus) sa health-related activities at charitable activities na kinakailangan ng kanilang mahihirap na constituent.
Ngunit giit ng senador, pagdating sa mga mambabatas sa Kongreso ay walang institutionalized treasurer kaya lantad ito sa korupsiyon.
(CYNTHIA MARTIN)