Mabilis na aksiyon kontra Gov. Douglas Caagas kailangan ni Jun Paneiro! (Article 32 ng Civil Code nilabag…)
Jerry Yap
January 25, 2017
Opinion
NITONG Biyernes, 20 Enero 2017, naulit ang insidente ng pandarahas ng isang gobernador sa isang broadcast journalist sa loob mismo ng kanyang booth.
Sa pagkakataong ito, ito ay naganap sa Digos City, sa Davao del Sur.
Ipinaaresto ni Davao Del Sur Gov. Douglas Caagas sa mga kagawad ng Digos City police ang broadcast journalist na si Jun Panerio sa loob mismo ng kanyang booth sa 105.3 Radyo Kastigo sa Barangay Cogon kahit walang warrant of arrest.
‘Yan daw ay dahil sa pagtalakay ni Paneiro sa pagkakasangkot ni Cagas sa pagpaslang kay Nestor Bedolido noong taong 2010.
Kung inyo pang natatandaan, may ganito ring insidente noong taong 2011, 7 Hunyo.
Ang sangkot noon ay si Kalinga Gov. Jocel Baac at Radyo Kalinga broadcast journalist na si Jerome Tabanganay.
Dakong 1:00 pm noon nang pasukin ni Gov. Baac, kasama ang 10 armadong lalaki, ang radio station deretso sa booth ni Jerome.
Kinuha ni Gov. Baac ang microphone saka ipinukpok sa ulo ni Jerome.
Matapos pukpukin at masugatan sa labi si Tabanganay, pinagbantaan pa siya ni Baac na papatayin.
Isa sa magandang bagay na nangyari rito nai-record sa video ng programang “Agenda” ni Tabanganay ang buong pangyayari.
Nagkataon noong mga panahong iyon, ang inyong lingkod ay nanunungkulang Presidente ng National Press Club (NPC).
Agad po namin ipinakontak si Jerome Tabangay, para maghain ng reklamo sa Depertment of Justice (DoJ). Ang reklamo ay inendoso sa Malacañang (Office of the President) at pinaaksiyonan sa noo’y nabubuhay pang si DILG Secretary Jesse M. Robredo.
Noong 27 Hunyo 2012, ibinaba ng DILG ang suspension kay Baac.
Halos mahigit isang taon, lumarga ang proseso ng nasabing kaso bago naibaba ang suspensiyon ni Baac.
Sa kaso ngayon ni Panerio kontra Gov. Cagas, iminumungkahi ng inyong lingkod na, saklolohan ng media organizations ang broadcast journalist lalo ng organisasyong kanyang kinabibilangan upang mabilis niyang makamit ang katarungan.
Kailangang maghain ng reklamo si Paneiro dahil ito ay malalang paglabag sa *Article 32 ng Civil Code of the Philippines.
Ang pagtatanggol niya sa kanyang sarili ay katumbas na rin ng pagtatanggol niya sa karapatan ng lahat ng mga mamamahayag sa bansa.
Inuulit po ng inyong lingkod, kailangan maghain ng reklamo ni Paneiro dahil kung hindi baka biglang bumaliktad ang pangyayari at maakusahan na siya ang may kasalanan.
Wattafak!?
Gaya po ng nangyari sa inyong lingkod, isang araw ng Easter Sunday (Linggo ng Pagkabuhay) 5 Abril 2015, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na sinalubong tayo ng isang grupo ng mga lespu mula sa Manila Police District (MPD) sa pangunguna ng isang S/Insp. Salvador Tanggol.
Malinaw sa MOU ng Philippine National Police (PNP) at ng iba’t ibang media organizations na walang pag-arestong gagawin sa mga araw ng Biyernes, Sabado at Linggo.
Pero nilabag ito ng grupo nina Tanggol dahil lamang sa kasong Libel. ‘Yun bang tipong atat na atat ang mga ‘pasimuno’ at ‘magkakasabwat’ para tayo ay arestohin.
Anyway, sabi nga, there are 1001 ways to skin a cat, kaya nabigo ang mga promotor na tayo ay makalaboso. Bukod pa, maraming kuwestiyon kung bakit mabilis na nai-raffle ang nasabing kaso sa sala ni Judge Noli Diaz.
Sa huli ay parang gusto pa tayong idiin ng mga promotor na tayo raw ang may kasalanan kung bakit naisilbi ang warrant.
Sonabagan!!!
Anyway, those were the things of the past.
Pero sana ay hindi ito mangyari kay Paneiro ngayong mayroon ng Presidential Task Force on media Security (PTFoMS).
Manguna sana ang PTFoMS para imbestigahan at sampahan ng kaso ang isang abusadong government official kagaya ni Cagas.
O baka naman gusto pang paimbestigahan ng PTFoMS ang pangyayari at sa huli ay si Paneiro ba ang madiin?
Baka biglang magkaroon ng fact finding kumita ‘este committee para madiin ‘este para imbestigahan ang pang-aabuso ni Cagas kay Paneiro?
Arayku!
Tayo naman ay nagtatanong lang po…
MIAA OFFICIAL GIGIL
NA GIGIL AT NAGLALAWAY
SA ISANG LADY IO
Isang opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang madalas na nakikitang umiikot-ikot na tila isang paruparo sa isang terminal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Immigration counter.
Iniisip ng mga nakakakita na mayroong susunduin o ihahatid ang nasabing MIAA official kaya laging naroroon sa Immigration counter.
Pero, iba pala ang rason kung bakit laging naroroon ang nasabing MIAA official…
Gumigiri pala ang tandang?!
Asus! Yaaks!
Gigil na gigil pala at laway na laway ang nasabing MIAA official sa isang lady Immigration officer (IO).
Wattafak!?
Pero sa totoo lang, asar na asar, hindi lang ang lady Immigration officer kundi maging ang kanyang mga kasamahan dahil ‘kadiri’ talaga ang asta ni MIAA official.
Yaki-kadiri naman talaga!
Akala siguro ni MIAA official, madadala sa porma-porma niya ‘yung lady Immigration officer.
Sorry na lang, Mr. MIAA official, may delicadeza si lady Immigration officer.
Hindi kaya naaalibadbaran si MIAA official tuwing siya ay nagiging ‘panini’ kapag may coffee break ang mga empleyado sa NAIA?
Wala naman kasi siyang delicadeza…
Garapal raw sa ipinakikitang kaboglihan. Sa tingin pa lang ‘e sobra nang maka-harass. Parang gustong ‘hubaran’ at ‘lamunin’ ang lady Immigration officer.
Engineer ‘este’ Mr. MIAA official, mas mabuti siguro kung tigilan mo ang kagagala at kapoporma sa Immigration counter…
Baka isang araw ‘e magulat ka na lang, may memo ka na galing kay MIAA GM Ed Monreal!
Arayku!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap