MAGDADAUPANG-PALAD ngayong araw ang mga kandidata ng Miss Universe at si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay dahil may courtesy call ang mga kandidata ng 65th Miss Universe sa Malacañang dakong 2:00 pm ngayong araw.
Kinompirma ito ni Department of Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre.
Aniya, simula noong pagdating ng Filipinas ng Miss Universe candidates ay nagpahiwatig na ang mga binibini nang kagustuhang makita ang pangulo.
Agad nagpasalamat si Alegre sa staff ni Pangulong Duterte sa pagtanggap sa mga kandidata sa Palasyo ng Malacañang.
Ang mga kandidata ay makikipananghalian kay Pangulong Duterte.