Friday , December 27 2024

Hamon kay Gen. Bato ni Speaker Bebot Alvarez ipinasa kay Tatay Digs

HINAMON ni House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez si PNP chief, Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na magbitiw sa kanyang tungkulin dahil pawang kahihiyan umano ang napapala ng Pangulo sa pulisya.

Kaugnay ito ng pinakahuling pangyayari ng pagkakabuyangyang sa kidnap-slay sa Koreanong si Jee Ick Joo na ang perpetrator ay pawang mga pulis.

Binabansagan ito ngayong “Tokhang-for-ransom” dahil, ginamit umano ng mga sangkot na pulis ang Operation Tokhang o anti-illegal drugs campaign o drug war ng Pangulo.

Mantakin ninyong sa loob mismo ng Camp Crame, pinatay sa sakal ni SPO3 Ricky Sta. Isabel ang Koreano?!

Isang malaking insulto nga naman ‘yan na ang mga ‘kaaway’ ay nasa tungki lang ng ilong ni Gen. Bato pero hindi man lang niya natutunugan.

Kumbaga, nasa loob na mismo ng kanyang tahanan pero dahil sa labis na tiwala ay hindi man lang niya napag-isipan na gagawaan siya ng kataksilan ng mga pulis na kanyang pinagkakatiwalaan.

Sa madaling sabi, under hot water ngayon si Chief PNP.

Pero dahil, malinis ang kanyang konsensiya, sinabi ni Gen. Bato, kapag ang Pangulo na ang nag-utos sa kanya na magbitiw, saka siya magbibitiw.

For the meantime, itutuloy ni Gen. Bato ang kampanya laban sa droga, hanggang dumating ang panahon na naubos na ang mga pusher.

Unsolicited advice lang Gen. Bato, huwag po kayong magpa-kengkoy sa publiko.

Maging seryoso po kayo. Mantakin ninyong kumanta at sumayaw pa yata kayo sa isang concert ‘e hindi naman kayo performer?

E ano ang magiging pagtingin sa inyo ng publiko?

Ipagpatuloy ninyo ang taktika at estratehiyang “winning the heart and mind of the people” kung gusto ninyong magwagi sa giyera kontra droga.

‘Yun lang po, Gen, Bato!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *