Friday , December 27 2024

Don’t bite the hands that feed you

KUNG condom-condom lang ang usapan, wala naman sigurong masama kung magkaroon man ng argumento sina Aiza Seguerra at ang tatay-tatayan niyang si Senator Vicente “Tito” Sotto.

Normal lang din magkasalungat ang mga basehan nila kasi nga magkaiba sila ng punto.

Pero kung magiging emosyonal ang isang panig kapag salungat sa kanya ang isang panig, parang hindi naman tama ‘yun.

Kung sinabi man ni Sen. Sotto na hindi angkop sa ating lipunan ang pamamahagi ng condom sa mga kabataan, siya ay nagpapahayag ng kanyang opinyon. Hindi naman ito dahil si Aiza ang nagsasalita.

Ibig sabihin, sa ideya salungat si Sen. Sotto hindi sa tao.

Malinaw ‘yan!

Ang dapat, isa-isang inilatag ni Aiza ang mga basehan ng kanyang argumento. Huwag ‘yung batikos na parang emosyonal.

At parang may diin na hindi nakauunawa si Tito Sen. (“Hindi po ito haka-haka, Mr. Senator. These are facts. Based on science and research.”)

Higit sa lahat, hindi naman niya kailangan idaan sa Facebook ang pagbatikos sa mga kumokontra sa ideya niya.

Puwede naman niyang personal na tawagan at paliwanagan si Sen. Tito.

Kung tutuusin, hindi naman talaga ‘condom’ ang solusyon para mabawasan ang teenage pregnancy, at ang pagkalat ng HIV/AIDS.

Ang solusyon dito, maging responsable sa  pakikipag-sex.

Ang condom ay sagisag ng pag-abuso. Komo may condom na puwede na lahat? Pre-marital sex, teenage sex, multi-sex partners at iba pang anyo ng pag-abuso sa pakikipagtalik.

Wala tayong ibang makitang rason sa paggamit ng condom kung hindi ang paglabag sa moralidad ng pakikipag-sex sa maraming aspekto.

Sabi nga, may iba-ibang paniniwala, tradisyon at praktis ang mga mamamayan sa ating bansa.

Kung hindi kombinsido, ang isang tao sa iyong ideya, hindi naman siya kailangan pilitin lalo’t hindi naman sila ang target audience sa kampanya.

Sa kaso nina Aiza at Tito Sen, mas makabubuti siguro na nanahimik na lang ang itinalagang Chairperson ng National Youth Commission (NYC) bilang respeto sa isa niyang tatay-tatayan.

Totoong may talent nga si Aiza, mula noong pagkabata, pero siyempre huwag niyang kalimutan na ang nagbigay sa kanya ng break sa showbiz ay sina Tito, Vic & Joey.

‘E marami nga riyan may talent pero hindi nabibigyan ng suporta sa showbiz ‘di ba?

Hindi naman siguro siya mapapansin ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kung hindi siya naging Aiza Seguerra muna.

May kasabihan nga, “matuto kang lumingon sa iyong pinanggalingan at baka hindi ka makarating sa iyong paroroonan” at sa Ingles, “don’t bite the hands that feed you.”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *