Si Sharon Cuneta ang kumanta ng theme song ng namamayapag ngayon sa kanyang timeslot na “The Greatest Love.”
Siyempre happy si Shawie sa naging outcome ng drama series ni Sylvia Sanchez, na friend pala niya in real life dahil ang manager niya na si Tita Angee ay nanay-nanayan ng megastar na matagal niyang nakasama sa kanyang The Sharon Cuneta Show na tumagal nang mahigit dalawang dekada sa ere.
Si Sylvia naman matagal nang fan ni Shawie sa katunayan kahit malayo ang kabayanan sa kanila sa Butuan ay pinapanood niya ang “Sana’y Wala Nang Wakas” ng idolo kaya naman sobrang saya niya nang sorpresahin siya sa birthday celebration niya sa Magandang Buhay last week.
Samantala sa sobrang bilib ni mega sa The Greatest Love, kung magagawan raw ng paraan na puwedeng mapasok ang ka-rakter niya ay gusto niyang mag-guest sa soap ng amigang aktres.
Nagpasalamat naman si Ibyang kay mega. “Basta ako nagpapasalamat ako sa pagkanta ng themesong namin (The Greatest Love). Maganda na ‘yung takbo ng istorya, pero mas maganda kapag nilapatan ng kanta mo,” sey ni Gloria sa national television.
Napapanood araw-araw ang TGL, pagkatapos ng Doble Kara ni Julia Montes sa Kapamilya Gold.
“MUSIC HERO” NG EAT BULAGA NAGBIBIGAY
NG OPORTUNIDAD SA ASPIRING MUSICIANS
Wildcard hero patuloy ang pakikipagtagisan para sa grand finals
Nitong Sabado ay tinalo ni Bass Hero Zild Benitez, ang nakatunggaling wildcard hero na si Raisa Racelis ng Tayabas, Quezon.
Although maganda rin ang performance ni Raisa pero mas pinaboran ng artists judges noong araw na ‘yon si Zild dahil sa hayup sa galing sa pagtugtog ng bass.
Bukod kay Zild, kabilang na rin sa papasok sa Grand Finals ng Music Hero sina Bass Heroes Jay-R Corre at Leo Reyes.
By the way, bukod sa malaking cash prize na maiuuwi ng daily at weekly winner ay nabibigyan ng pagkakataon ng Eat Bulaga ang aspiring musicians para maipakita ang kanilang talent hindi lang sa pagtugtog ng musical instruments kundi ang husay rin sa pagkanta.
Magiging daan ang Music Hero sa kanilang pagsikat in the future at pagkakataon para maipakita nila ang talent.
VONGGANG CHIKA – Peter Ledesma