Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paglaladlad ni Jerome Alecre, ‘di na click

MAY mga nagsasabi na kaya hindi masyadong pinag-uusapan ang pag-come out  ni Jerome Alecre ng Pinoy Big Brother Regular Housemates ukol sa pagiging gay ay dahil may gumawa na nito sa PBB noon, si Rustom Padilla.

Sa totoo lang, puwede namang hindi niya ito sabihin dahil nga sa loob ng Bahay Ni Kuya, ‘di naman siya nakitaan ng pagkabakla, sa kilos, pananamit, at pananalita.

Basta ang alam lang natin, maka-Nanay si Jerome at sa edad na mahigit 30, single pa.

Inamin  ito ni Jerome noong New Year habang ang lahat ay abala sa pag-eestima ng kanilang mga bisita at ang iba ay nagluluto ng kanilang media noche.

Hindi gaanong napag-uupan ang pag-come out ni Jerome.

Mayroon namang nagsasabi na kahit inamin na ni Jerome na gay siya hindi nagbabago ang pagtingin nila rito na may malaking tungkulin sa isang ospital sa US bilang Nurse.

Nagpang-abot noon ang  Regular Housemates at ang Teen Housemates at may mga episode sa PBB na close na close sina Jerome at Yong. Idol nga raw ni Yong si Jerome at gusto nitong tulungan si Yong dahil more or less, nakikita niya ang struggle nito during his youth dahil mahirap din ang ang pamilyang pinanggalingan niya.

Ano kaya ang reaksiyon ni Yong sa pag-come out ni Jerome? Mananatiling idol  pa rin kaya niya ito?

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …