Saturday , November 23 2024

OTS security personnel under ‘hot water’ (Pinay, Jordanian naiwan ng flight)

KINAKAILANGANG magpaliwanag ang isang security personnel ng Office for Transportation and Security (OTS) nang maiwan sa flight ang isang Filipina at kasama niyang Jordanian dahil sa ‘kotong-try.’

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, pinaiimbestigahan na niya agad ang sinasabing indirect extortion attempt sa balikbayan na Pinay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1.

Kinilala ni GM Monreal ang suspek na isang Sergio Padilla, isang OTS security screener na nakatalaga sa final security check sa NAIA terminal 1.

Ayon sa reklamo ng isang Carol Reynon Quebalayan, siya at ang kasamang Jordanian ay pinigil sa final security check area ni Padilla dahil sa dala nilang “Ube jams” na nasa kanilang hand carry bag nitong 4 Enero 2017.

Pasakay na sila sa China Southern Airlines Flight CZ-3078I dakong 7:35 a.m. nang harangin sila ni Padilla.

Sinabi umano ni Padilla, hindi maaaring i-hand carry ang nasabing Ube jams kaya tinanong niya kung ano ang puwede nilang gawin dahil bandang 8:45 a.m. ang flight nila.

Wattaafak!? Ube jam bawal?!

Sumagot daw si Padilla: “Pag-usapan natin doon,” sabay turo sa isang sulok.

Pero hindi sumunod si Quebalayan kaya sinagot siya ni Padilla, “Bahala ka kung ayaw mo, itapon mo na lang ‘yang mga boteng ‘yan.”

Habang nakikipag-usap si Quebalayan kay Padilla, dalawang ground personnel ng China Southern Airlines ang nanawagan kung nasaan sila pero hindi kumibo ang OTS security personnel at inutusan pa silang i-check-in ang dala nilang Ube jams.

In short, hindi nakaalis sina Quebalayan at ang Jordanian.

Pero dahil pursigidong matuloy ang biyahe, kinailangan nilang gumastos ng karagdagang US$1,100 bawat isa para sa kanilang flight sa ibang airlines kaya nakaalis sila dakong 8:00 pm.

‘E paano pala kung walang ganoong halaga sina Quebalayan at ang kasama niyang Jordanian?!

Malamang natengga pa sila nang matagal.

Pero ang isa sa nakatutuwa rito, mabilis ang aksiyon ni GM Ed Monreal na imbestigahan ang tarantadong OTS personnel.

Salamat GM pero sana ay mawalis pa ang ibang kagaya ni Padilla sa NAIA.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *