PLANONG magsagawa ng imbestigasyon si Senadora Rissa Hontiveros kaugnay sa mga insidente nang pagtanggi ng mga ospital sa mga buntis, habang binigyang diin na maaaring makasuhan ng paglabag sa Anti-Hospital Deposit Law ang dalawang ospital na tumangging i-admit ang isang pasyenteng manganganak kamaka-ilan. Matatandaan, nagreklamo ang isang buntis na inabot ng panganganak sa loob ng taxi noong 11 Enero, makaraan tanggihan ng dalawang ospital na unang pinuntahan ng pasyente para manganak.
Sa inisyal na imbestigasyon ni Hontiveros, chair ng Health Committee, hindi tinanggap ng isang public hospital sa Caloocan City ang buntis dahil pre-mature raw ang labor at walang incubator sa naturang ospital para sa sanggol
Dahil dito, napilitang lumipat ang buntis sa pinakama-lapit na ospital ngunit inabot siya ng pagluluwal ng sanggol sa loob ng sinakyang taxi
Sa tulong ng mga rescuer, dinala ang mag-ina sa isang pribadong ospital sa Fairview, Quezon City. Ngunit pinutol lang ang pusod o umbilical cord ng sanggol saka itinaboy sa East Avenue Medical Center dahil hindi raw kakayanin ng pasyente ang bayarin sa pribadong hospital.
Sa East Avenue Medical Center na tumanggap sa mag-ina, hindi nakita ang unang si-nabing premature labor kundi regular anila ang takdang pagsilang ng sanggol.
Iginiit ni Hontiveros, hindi dapat tanggihan ng mga ospital ang pasyente lalo’t emergency na maaaring ikamatay ng pasyente.
Dahil dito, nais ni Hontiveros na may managot sa pagtanggi ng dalawang ospital sa naturang ginang. (CYNTHIA MARTIN)