Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lady Pirates luhod sa Lady Altas

PUMITAS ng players sa bench si Perpetual Help coach Sammy Acaylar upang pagpagin ang Lyceum of the Philippines, 25-21, 29-27, 25-23 sa women’s division ng 92nd NCAA volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Malamya sa kaagahan ng laro sina team captain Cindy Imbo at Ma. Lourdes Clemente kaya napilitang dukutin ni Acaylar sa bench sina Jamela Suyat, Coleen Bravo at Jowie Albert Versoza, maganda ang naging resulta at nanatiling buhay ang asam ng Lady Altas na makapasok sa Final Four.

Bumira sina Suyat, Bravo at Versoza ng 19, 13 at 11 points ayon sa pagkakahilera upang itarak ang 4-3 card ng Perpetual.

Bumakas din ang reserve na si Maria Aurora Tripoli ng siyam na puntos para sa Perpetual na kailangan pang ipanalo ang dalawang natitirang laro para sumampa sa semifinals.

“I have faith in all my players that they will deliver if given a chance,” saad ni Perpetual Help coach Sammy Acaylar.

Sunod na makakalaban ng Las Piñas-based school ang Jose Rizal sa Enero 18 at Arellano U (Jan. 25.).

“We know in our hearts that we’re still in it, we just have to believe,” ani Acaylar.

Natikman ng Lady Pirates ang pangalawang talo sa pitong laro.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …