HINDI naman lihim na tuwing sumasapit ang Chinese New Year ay halos dalawang linggo ang holiday sa bansang China.
And this can affect the incoming import goods from China na kailangan ng mga pantalan sa needed revenue collection.
Lalo na ngayong tinaasan na naman ng ilang percent ang revenue target collection ng Bureau of Customs. Tiyak may malaking epekto sa collection sa darating na buwan.
Kasabay rin ang imbentaryo ng mga negos-yante sa bansa at buong China. Tiyak na kumikilos na ang bright boys ng Commissioner’s Office on how to manage this problem.
Madalas sa ganitong panahon ay naghahanda rin ang BOC ng mga kargamentong nakumpiska na puwedeng pakinabangan at isu-basta para makatulong sa revenue collection.
Higher duties and taxes para sa imported goods ay nasa kamay na rin ng mga District Collector office para tulungan ang Commissioner of Customs to reach his target revenue collection.
Ito ang inaasahan ni Commissioner Nick Faeldon sa kanyang Customs officials.
Malaki ang trust and confidence ni Comm. Faeldon sa mga bagong itinalaga niyang Customs officials na sina MICP district collector Vincent Philip Maronilla at POM district collector Rhea Gregorio.
Good luck po sa inyo!
PITIK – Ricky “Tisoy” Carvajal