Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

The soft spot of a tough guy

BAGO mag-Pasko nakadaupang-palad ng mga mamamahayag na nagko-cover sa Bureau of Customs (BoC) si Commissioner Nick Faeldon.

Ang pakikipaghuntahan ni Commissioner Nick sa media group sa BoC ay naganap sa isang breakfast get-together sa Barbara’s sa Intramuros, Manila.

Sa nasabing breakfast get-together ay nakita ng mga taga-media ang soft spot sa isang tough guy na gaya ni Commissioner Faeldon.

Siyempre, ibinahagi niya sa mga mamamahayag ang kanyang mga programa at proyekto para sa pagsasaayos ng Customs.

Hiningi rin niya ang mga opinyon ng bawat isa, sa mga nakikita nilang problema sa loob ng ahensiya.

Karanasan na sa bawat ahensiya ng pamahalaan na mas nagiging maayos ang relasyon ng media at mga opisyal kung magkakaroon sila ng maayos na komunikasyon.

011617 nick faeldon

Isa rin sa mga susing tao na mapagkukuhaan ng reliable at accurate information ang mga mamamahayag na matagal nang nagko-cover sa isang ahensiya o isang beat lalo na ‘yung natatandaan ang history ng ahensiya.

At mukhang may paggagap sa ganitong sistema si Commissioner Nick.

Napag-usapan din ang tungkol sa opisina ng mga mamamahayag na pansamantalang kinuha o hiniram sa kanila.

Nangako ang komisyoner na bigyan lang siya ng ilang panahon at ibabalik niya ang opisina ng mga mamamahayag na malinis, maayos at mayroong hi-tech na facilities.

Maraming Salamat Commissioner!

Aba, napakagandang development niyan para sa mga nagko-cover sa Customs.

Hindi naman pala tuluyang pinatid ni Commissioner ang pakikipag-ugnayan sa mga mamamahayag. Ang ayaw lang niya ay huwag namang puro negatibo ang nakikita sa kanyang pamamalakad kundi maging ang positive side ng kanyang mga programa.

Kung magtutuloy-tuloy na ‘yan, masasabi nating magtatagumpay ang unang Customs Commissioner ng Duterte administration na makatutulong sa mas malalaking programa at proyekto ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte para sa mamamayang Filipino.

Mabuhay ka, Commissioner Nick, nawa’y magtuloy-tuloy na ang maayos na ugnayan ng inyong tanggapan at ng mga mamamahayag.

MAY MAKINANG NA ‘BITUIN’
SA ADMINISTRASYON
NI COMM. NICK FAELDON

011617 customs faeldon Estrella

Mayroong makinang na bituin sa loob ng administrasyon ni Bureau of Customs Commissioner Nick Faeldon.

Siya ay walang iba kundi si dating Philippine Marines Col. Neil Estrella, ang kasalukuyang acting spokesperson ni Comm. Faeldon.

Sa katunayan, si Col. Estrella ang isa sa mga tumulong at nag-organisa para makaharap ni Commissioner ang mga mamamahayag na nagko-cover sa BoC.

Subok na mahusay bilang isang organization man, siya ay dating spokesman ng AFP Western Command na may kasanayan sa enforcement and intelligence operations.

Bahagi rin siya ng pagbibigay ng proteksiyon sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng pamumuno sa dalawang batalyon ng Philippine Marines.

Ngayon, si Commissioner Faeldon at  Col. Estrella ay magkatulong na itinataguyod ang pagsuhay sa administrasyon ni Pangulong Duterte.

Isa sa mga pinagtutuunan nila ng malaking  operasyon ang pagtutok sa mga nakalulusot na smuggling activities.

Ibig sabihin, hindi lang magsisilbi si Col. Estrella bilang spokesperson kundi malaki rin ang magiging papel niya sa intelligence operations ng Bureau.

No wonder, aprubado na sa Palasyo ang kanyang appointment bilang CIIS director.

Congrats muna,Sir!

Sabi nga, walang hindi mabungang trabaho sa mga nagkakasundong kaisipan at sistema ng pamumuno.

Kaya sa tingin natin, mahusay na tandem ang pagsasama nina Commissioner Nick Faeldon at Col. Neil Estrella sa BoC.

Nitong Disyembre ay mayroon nang pruweba, umabot sa P19.947 billion ang koleksiyon sa unang hati ng Disyembre.

Ito ay katumbas ng 57% ng P35.116 billion target nang sinundang buwan.

Nakuha na rin nila ang 93.3% ng P409 billion assessed target para 2016.

Sabi nga ni Col. Estrella, simple lang ang ginawa nila… “The factors are the continuous entry of cargoes. It did not lessen, instead, the entry of cargoes increases on a day-to-day basis.”

Naniniwala si Col. Estrella, ang mataas na revenue collection ay dahil sa positive rating ni Commissioner Faeldon, kooperasyon sa mga stakeholder, transparency sa BoC transactions at tulong sa hanay ng mga trader.

Well said, Col Estrella…

Here’s hoping and wishing for a smooth-sailing 2017 and more years of successful leadership for Commissioner Nick Faeldon and Col. Neil Estrella.

TAHIMIK PERO LARGADO
ANG 1602 SA AoR NG MPD
MALATE AT PANDACAN!

011617 Jueteng bookies 1602

Maraming nagdaang opisyal sa Manila Police District (MPD) ang tila nangangayaw noon sa dalawang Police Station dahil maliit raw ang pitsa ‘este sakop pero ngayon ay tila gumaganda ang ‘kabuhayan showcase’?!

Bigla raw nagbago ang ihip ng hangin sa AOR ng Pandacan at Malate na umano’y lumakas ang mga butas ng bookies ng karera, STL cum tengwe na hawak ng magiting na bagman-cop Tata Paknoy Fresnedi!

Parang kabute rin ang latag ng mga video karera sa Pandacan at Malate area ngayon.

Diyan umano sa San Andres area at sa gilid ng estero sa Pandacan ay piyesta ang mga makina ng video karera!

Ang pagkakaalam natin, kadikit ng 1602 lalo ng VK ang bentahan ng ilegal na droga?!

Sa kabila nang mahigpit na kampanya ni MPD district director Gen. Jigz Coronel laban sa vices ay nakasasalikwat pa ang mga hinayupak!

Sonabagan!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *