Monday , October 2 2023
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Digong damang-dama ni Japan PM Shinzo Abe

011517 duterte abe bong go
BINISITA ni Japan PM Shinzo Abe at asawang si Akie Abe ang tahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte at common-law wife Honeylet Avancena sa Davao City at nagsalo sa isang payak na almusal kahapon ng umaga. Hindi tinanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakataling kulambo sa kanilang silid ni Honeylet at ipinakita ito kay Abe. Sa payak na almusal ay pinagsalohan nila ang biko, suman, kutsinta, at mongo soup. (Mula sa Facebook Account ni Bong Go)

SA lahat siguro ng napasyalang bansa ni Japan Prime Minister Shinzo Abe, hindi niya malilimutan ang pagbisita niya sa kasalukuyang presidente ng bansa na si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Hindi kasi nakipagplastikan si Digong kay PM Abe.

Ipinakita niya ang kanyang tahanan at iniharap ang kanyang common-law wife sa pinakamataas na opisyal ng bansang Japan.

Ipinakita ang kanyang kuwarto, nagsalo sa isang payak na almusal at ipinakita kung ano tunay na buhay ng mga Filipino.

Base sa mga video clip sa telebisyon, mukhang nahawa rin si PM Abe sa pagiging cool ni Digong.

Naglakad din siya nang kaswal sa kanilang pamamasyal. Hindi man lang natin nakitaan ng pagkaasiwa si PM Abe.

Siguro, dahil naipadama sa kanya ni Digong ang tunay at tapat na pakikipagkaibigan.

Wala tayong masabi sa ginawang iyon Pangulong Duterte.

Talagang  ipinakita niyang siya ay isang tunay na tao, isang tunay na Filipino na hindi ikinahihiya ang kanyang pinagmulan at kung ano ang kanyang buhay.

Sana sa pamamagitan man lang nito, ay pansamantalang tumiklop ang mga kritiko ng Pangulo.

Nang umuwi ang mag-asawang Abe, humarap pa sila sa mga naghatid sa kanila sa eroplano na masaya at magiliw na kumakaway.

Kumbaga satisfaction guaranteed ang kanilang pagbisita dahil sa tapat na pakikiharap ni Digong.

Sana sa pagkakataong ito ay matuloy ang ipinangakong pondo ng Japan para matapos na ang Tutuban to Malolos railways.

Malaking tulong ito para sa mga commuters na binubuo ng mga manggagawa, empleyado, estudyante at mga indibidwal na kailangan pang lumuwas ng Maynila.

Sa kabuuan, masasabi nating tagumpay ang pagbisita ni PM Abe sa ating bansa.

Sabi nga ni Digong kay Abe…

“We’re not only friends, we’re brothers.”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Zamboanga City Jail, kauna-unahang BJMP Gray Dove Awardee

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINARANGALANG Best Jail Facility nitong 21 Setyembre 2023 ang Zamboanga City Jail-Male …

Sipat Mat Vicencio

 ‘Wag n’yong ‘paikutin’ si Digong

SIPATni Mat Vicencio SILIP NA SILIP ang diskarte ng mga tusong politikong gustong gamitin at …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Tsokolateng dollar bills

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NA-HULICAM sa umano’y paglunok ng dollar bills na nagmula …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD anti-drug campaign, nakaiskor ng P2.4-M ‘damo’

AKSYON AGADni Almar Danguilan DALAWANG linggo na rin ang nakalipas simula nang italagang Director ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pangyabang na bonus, habang dedma sa learning crisis

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG pag-aanunsiyo kamakailan ng bonus na inilabas ng Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *