Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ara Mina tuloy na sa serye ng GMA-7 (Matapos maglabas ng saloobin sa social media)

MATAPOS maglabas ng sama ng loob sa kaniyang Instagram account, sa hindi maganda umanong sinapit sa taping ng upcoming teleserye ng GMA-7 na “Pinulot Ka Lang Sa Lupa” na gumaganap siyang mother ni LJ Reyes, at Julie Anne San Jose starrer ay nag-reach-out ang mga bossing ng Kapuso network kaya tuloy na raw si Ara Mina sa nasabing soap at isa sa mga araw na ito ay balik taping na ang dating sexy actress na sumikat noong early 2000.

Narito ang latest statement, ni Ara sa kaniyang IG na kumpirmasyon na rin sa appearance niya sa PKLSL. “Now, I want to let you know that I have decided to go on with the project. This decision is not easy to make kasi nasabi ko na ang nasabi ko. But, I appreciate my boss for reaching out to me and understanding my sentiments. More than anything. I am always for peace,” pagtatapos ng actress.

SA PAMAMAGITAN NG SELFIE POST

AT TAKBO SA FB, TEAM BAHAY

AT TEAM BARANGAY PUWEDENG

MAGWAGI NG 10K SA EAT BULAGA

Sa mga Dabarkads na mahilig mag-selfie at mag-post ng kanilang pictures sa kanilang FB o IG account? Hindi lang ninyo mai-enjoy ito ngayon dahil sa pamamagitan ng pagtutok ninyo araw-araw sa Eat Bulaga ay may chance kayong manalo ng P10,000 cash.

Ang Team Bahay at Team Barangay ang puwedeng mag-join sa contest na ito at abangan lang sa “Juan For All, All For Juan” kasama sina Dabarkads Jimmy Santos at Anjo Yllana kung ano ang gagamitin ninyong props sa inyong photo selfie na agad ninyong ipo-post sa Facebook Fan Page ng EB. Tatlo ang puwedeng manalo ng 10K at abangan sa nasabing pangtanghaling programa ang announcement ng winners.

Sa episode kahapon, sina Cindy, Nicoline at Rosalinda ang mga nagwagi.

BAE KENNETH

NAGPAKATOTOO NA

SA FEELINGS NIYA

KAY TAKI

SA “TROPS”

Sa bagong episodes ng TROPS, nagpakatotoo na si Bae Kenneth sa ex-girlfriend na si Pia (Kate Lapuz) na may iba na siyang mahal at ‘yun ay si Taki. Masakit man para sa binata na diretsahin ang dating karelasyon ay ‘yun lang ang paraan para hindi na umasa pa si Pia na may part 2 pa ang kanilang relasyon. At ngayong pinalaya ni Kenneth ang totoong feelings kay Taki ay seryoso na siyang ligawan ang dalaga na matagal na ring may crush sa kanya.

Pero nagkunwari rin sa kanyang nararamdam at nag-entertain pa ng kaibigan sa katauhan ni Bae Miggy na seryoso sa kanya. Ang problema ay companionship lang naman talaga ang hanap niya rito. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Miggy kapag nalaman niyang pinopormahan na ng ka-trops na si Kenneth si Taki na sa tindi ng pagmamahal ay tinatawag niyang Kamahalan?

Abangan ang kilig-kiligang eksena sa TROPS na umeere araw-araw bago ang Eat Bulaga sa GMA-7.

BACK TO BACK – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …