Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

5/6 ng bombay nais tuldukan ni Pang. Digong

ALAM nating lahat na mayroong mga tao na sa labis na kahirapan pero hindi kayang gumawa nang labag sa kinagisnan nilang moralidad ay napapakapit rin sa patalim…

Gaya ng usurang (loan shark) 5/6.

Inaakala nilang makaaahon sila sa kinasadlakang kahirapan sa pamamagitan ng pag-utang ng kaunting puhunan na paiikutin nila sa isang maliit na negosyo gaya ng sari-sari store.

Pero sa totoo lang, ang nagiging realidad nito, ipinaghahanapbuhay lang nila ang usura.

Hand-to-mouth existence o isang-kahig isang-tuka lang din ang kinalalabasan ng kanilang ‘negosyong’ utang.

Ang katuwiran nila, kaysa naman tumunganga lang sa maghapon, mas maigi nang kahit kaunti ay may pinaiikot silang panghanapbuhay.

Marami ang nabubuhay sa ganitong sistema lalo sa mga urban areas, sa palengke o mga lugar na ‘ika nga ‘e may umiikot na ekonomiya.

Pero ‘yung kumakapit sa 5/6, sila ‘yung mga nasa tabi-tabing negosyo na ang mga kliyente ay rank and file employees, drivers, maliit na empleyado or living below poverty line.

Nangungunyapit sila, kahit sa ‘matalas na patalim’ sa pag-asang isang umaga ay mayroong sasagip sa kanila.

011217 duterte money

At mukhang dininig ng Diyos ang kanilang dasal, heto na…

Kamakailan lang, nagbanta si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ipaaaresto na ang mga nagpa-5/6 lalo na ‘yung mga dayuhang Bombay.

Nakita kasi ng Pangulo na hindi naman talaga nakatutulong sa mahihirap nating kababayan ‘yang 5/6 bagkus ay nagbabaon sa kanila sa lalong matinding kahirapan.

Gaya nang sinasabi natin noon pa, malinis ang intensiyon ni Pangulong Digong sa mga hakbangin niyang ito.

Pero sana mayroong alternatibong programa o proyekto na magbibigay ng puhunan sa maliiit nating kababayan na pinaiikot lang ang kanilang kita sa araw-araw.

Palagay natin, malaki ang papel na dapat gampanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Anti-Poverty Commission (NAPC) sa layuning ito ni Pangulong Digong.

Kasi kung aarestohin ang mga nagpapa-5/6 at walang magiging alternatibo, baka tumaas pa ang patubo ng mga magpapautang nang patago.

‘E ‘di parang wala rin nangyari at lalo pang malulubog sa kahirapan ang mga kababayan natin.

Sana, ngayon pa lang, umikot na ang NAPC at DSWD para sila mismo ang pumili ng mga tutulungang kababayan na umaasa sa 5/6.

Wish lang natin na maging matagumpay ang planong ito ng Pangulo.

MAYORS SA DRUG
LIST ‘PATAY’
KAY TATAY DIGS

011217 Duterte narcolist

Nagbanta na rin si Tatay Digs sa mga mayor na nasa drug list.

Pero sabi nga niya, hahayaan niyang magpaliwanag ang mayor na nasa drug list.

Sila umano mismo ang titingin sa listahan para malaman nila kung nasa listahan sila o wala.

Kapag naroon ang pangalan nila, ihanda na nila ang sarili nila.

Sila na ang magsalita kung ano ang puwede nilang gawin para ipakita nilang nagsisisi sila sa kanilang ‘kademonyohan.’

Pero ang posisyon nga ni Tatay Digs, gusto raw niyang ‘patayin’ ang mga mayor na nasa drug list.

By the way, hindi ba puwedeng ilantad sa publiko ang listahan na ‘yan, Tatay Digs?!

Sino-sino ba talaga ‘yang mga mayor na ‘yan na nasa drug list, Tatay Digs?

Puwede bang paki-share?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *