Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Serye nina Bea at Ian no.1 trending pilot episode pumelo sa 25% ratings

NOONG Lunes ay isa kami sa milyon-milyong Kapamilya na tumutok sa pilot episode ng “A Love To Last” nina Bea Alonzo at Ian Veneracion sa ABS-CBN Primetime Bida.

At sa unang episode pa lang ng latest serye ng ABS-CBN at Star Creatives ay kita na agad ang magandang daloy ng kuwento tungkol sa pag-ibig at buhay ng pamilyang Filipino.

Sabi nga ni Bea na gumaganap na Andeng ay excited siya sa bagong teleserye dahil malapit sa puso niya ang kuwento nito, hindi lingid na tulad ng role sa ALTL na isang breadwinner ang actress at tagapagtaguyod ng kanyang ina at mga kapatid.

Kaakibat rin ng kuwento ang betrayal of trust at failed marriage na involve si Bea at ang fiancé na namamangka sa dalawang ilog; at si Ian bilang Engr. Anton Noble na ang wife na si Grace, portrayed by Iza Calzado ay nagde-demand ng annulment.

Sa tapang ni Andeng, na hindi sumusuko sa laban ay hindi siya kayang igupo ng mga pagsubok na kanyang pagdadaanan.

Isa pang may tatak sa televiewers si Enchong Dee bilang kapatid ni Bea; at Julia Barretto, Juan Karlos Labajo at Hanna Lopez Vito na mga anak nina Ian at Iza sa bagong romantic-family drama series.

Si Ronnie Alonte ang gaganap na love interest ni Julia at gagampanan niya ang karakter ni Tupe. Dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood, bukod sa number one trending ang pilot episode nito na may hashtag na #ALoveToLastWorldPremiere ay pumalo pa sa Kantar Media ng mataas na 25% ratings.

Napapanood ang A Love To Last weeknights after FPJ’s Ang Probinsyano.

Keep on watching gyud!

DEATH SCENE NI BENNY (PEPE HERRERA)
 SA FPJ’S ANG PROBINSYANO BUMUHOS
NG LUHA AT LUNGKOT SA TELEVIEWERS

Biglang naging instant bayani ang turing ng karakter ni Benny (Pepe Herrera) sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil

ibinuwis niya ang kanyang buhay para sa kaligtasan ng kaibigang si Cardo (Coco Martin) na target patayin ng mga tauhan ni Joaquin (Arjo Atayde).

Sa eksenang walang awang pinagbabaril si Benny ay bumuhos ang luha at marami sa televiewers ng no.1 action-drama series ang labis na nalungkot sa pamamaalam ni Pepe, na sa pagsisimula ng FPJ’s Ang Probinsyano noong Setyembre 2016 ay lagi nang bahagi ng cast.

Napakawalang puso talaga ni Joaquin at pati ang pamilya at mahal sa buhay ni Cardo ay kanyang idinadamay sa malaking inggit kay Cardo. Lagot siya ngayon kay Cardo at malapit-lapit na ang pagwawakas ng kanyang kademonyohan na namana niya sa kanyang daddy na si Tomas (Albert Matinez).

Umabot pala sa rating na 37% ang pagkitil sa buhay ni Benny.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …