Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

After four long years, Sarah at John Lloyd gagawa uli ng pelikula

TATLONG beses nang pinatunayan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo ang lakas ng kanilang tambalan sa takilya at ‘yan ay sa mga pelikula nilang A Very Special Love (2008), You Changed My Life (2009), at It Takes a Man and a Woman na ipinalabas noong 2013 na kumita ng more than P300 million.

This year matapos ang halos apat na taong paghihintay ng mga tagahanga worldwide ay muling gagawa sina Lloydie at Sarah ng movie sa Star Cinema at Viva Films at nakompirma namin ito sa latest post ng ADPROM Manager ng Star Cinema na si sir Mico del Rosario sa kaniyang FB account with matching picture ni Sarah na nagpakuha sa standee ng kaniyang favorite leading man (JLC).

Sa ngayon, ‘yan pa lang ang detalye at wala pang sinasabi kung sino-sino ang makakasama ng dalawa sa bago nilang movie project at kung sino ang naatasan na mag-direk sa kanila.

I’m sure sa kasabikan ng fans ay nangangamoy blockbuster ang film nilang ito gyud!

MATINDING AWAYAN
NG PAMILYA NI SYLVIA
SA “THE GREATEST LOVE”
TRENDING!

Pinag-usapan ng mga manonood sa TV at online ang matinding komprontasyon ni Gloria (Sylvia Sanchez) at kaniyang mga gumaganap na anak na sina Dimples Romana, Andi Eigenmann, Arron Villaflor at Matt Evans sa top-rating Kapamilya serye na “The Greatest Love” kaya naman agad nanguna sa listahan ng trending topics noong Huwebes (5 Jan).

Umani nga ng libo-libong tweets ang hashtag ng episode na “TGLTheBloodWar” na ibinahagi ng netizens ang sari-sari nilang reaksiyon sa makapigil-hiningang eksena ng palabas.

Kahit ang TFC subscriber na si @tracy_erickson, hindi napigilan ang pagkasabik sa eksena.

“Hindi ako makapaghintay mapanood ang “TGLTheBlood War.” Ito na lang talaga ang bumubuhay sa TFC ko,” saad niya.

Bukod sa netizens, naging mainit din ang suporta

ng televiewers sa panghapong serye sa pagtatala nito noong Huwebes ng national TV rating na 17% kompara sa katapat na programa na nakakuha lang ng mas mababang puntos na 12.6%.

Samantala ngayong Lunes (9 Jan.), haharap na sa panibagong kabanata ng kanyang buhay si Gloria dahil, nakatakda na niyang ipagtapat sa kanyang mga anak na bilang na lamang ang kanyang mga oras.

Matauhan na kaya’t magbago sina Amanda (Romana) at Paeng (Villaflor) at maging maayos na ang pamilya ni Gloria bago pa mahuli ang lahat?

Mapatawad na kaya nila ang isa’t isa?

Abangan ito sa pagpapatuloy ng The Greatest Love na napapanood Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Doble Kara ni Julia Montes sa Kapamilya Gold.

TROPS NG BAES MALAKAS
ANG HATAK SA TV VIEWERS

Dahil pang millenial ang plot ng istorya ng “TROPS” marami ang nakare-relate sa Youth Oriented TV Program na pinagbibidahan ng pitong miyembro ng BAES sa pangunguna nina Kenneth Medrano at Miggy Tolentino.

Palaban sila pagdating sa AGB Nielsen Ratings na madalas ay tinatalo nila ang katapat na show sa Kapamilya network. Maliban sa makabago ang nasabing serye ay mabilis ang facing kaya’t bukod sa hindi kayo mababagot ay mai-entertain kayo at kikiligin sa boys at girls ng TROPS lalo sa diyosa ng kagandahan na si Takina.

Ayaw bitawan o sukuan ni Miggy sa panliligaw pero ang tanong in-love nga ba si Taki sa binata o merong ibang nagpapatibok ng kanyang puso? Ito namang si Bae Kim dahil love niya ang college professor nilang si Bb. Macauba (Ina Raymundo) ay mukhang hindi siya titigil sa pagprotekta laban sa bolerong boyfriend ng guro na si Baste (Marco Alcaraz).

Samahan ang BAES, araw-araw sa TROPS na umeere tuwing 11:30 ng umaga bago ang Eat Bulaga sa GMA-7.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …