Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Pork barrel sa national budget nasipat ni Sen. Ping Lacson

MAHUSAY talagang sumipat si Senator Panfilo “Ping” Lacson.

Sa General Appropriations Act (GAA) of 2017, ang P8.55 bilyones mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ay isinalin sa Commission on Higher Education (CHEd) dahil sa paggigiit ni Sen. Ping at ng iba pang mga mambabatas na magpatupad ng libreng tuition fee sa mga state colleges at universities.

Pero nauna rito, nabatid na ilang congressman ang nakatanggap umano ng alokasyong P1.5 bilyon at P5  bilyon habang ang mga senador ay P300 milyones bawat isa para sa kanilang pet projects.

Ang isa sa ikinadedesmaya ni Senator Ping, natuklasan ng kanyang team na napakalaki ng idinagdag na budget sa DPWH.

Mula sa dating P9.054 ay umabot sa P454.721 bilyones.

Wataffak!?

Ayon sa Senador, isa umano ‘yan sa dahilan kung bakit kailangan nilang busisiin ang inaprubahang national budget para sa 2017.

071416 ping lacson

Naniniwala sila na ang dagdag sa DPWH budget ay mula sa budget cut sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) o Calamity Fund sa ilalim ng Special Purpose Fund. Sa kabuuan, ang NDRRMF budget ay nabawasan ng P21.5 bilyones sa GAA.

Kaya nga sigurado si Senator Ping, na ang realignment sa budget ng DPWH ay pork barrel.

Nasaan nga naman ang pagbabago kung nakalusot din ang pork barrel sa 2017 national budget?!

Anyway, alam nating hindi hahayaan ni Senator Ping na may makalusot pang pork barrel.

Sabi nga niya nakahanda siyang kuwestiyonin hanggang sa Supreme Court ang pork allocations alinsunod sa deklarasyon noong 2013 na ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ay unconstitutional.

Suportado ka namin diyan, Senator Ping!

MOCHA FOR MTRCB
CHAIRPERSON DAPAT!

010617-mocha-uson-mtrcb

Itinalaga na bilang bold ‘este’ Board Member sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) si Ms. Mocha Uson.

Ang masugid pero kontrobersiyal na supporter ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

As usual, marami na naman ang umaangal at pumupuna kung bakit itinalaga si Mocha at sa MTRCB pa?!

Pero sabi nga ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ano naman ang diperensiya kung italaga si Mocha sa MTRCB?!

Malaki ang kontribusyon niya sa entertainment world, edukada at isang mahusay na blogger.

Kung pag-uusapan naman ang mga pintas sa kanya na isang sex symbol siya noon, palagay natin ‘e iba na ang imahe niya ngayon.

Past is past nga ‘di ba…

Ultimo ang mga hardcore na aktibista sa tanggapan ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo ay bumilib at humanga kay Mocha.

Kung ang inyong lingkod ang inyong tatanungin, puwedeng-puwedeng maging Chairperson ng MTRCB si Mocha, dahil siya mismo, ay naiintindihan ang takbo ng entertainment industry sa bansa.

Let us first support Mocha!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *