Sunday , December 22 2024

Ang Bagong Taon

UNA sa lahat ay hayaan ninyo akong ipanala-ngin ang pagiging mapagpalaya at makabuluhan ng Bagong Taon para sa ating lahat.

Habang lumalaon ay napapansin ko na magkahalong lungkot at saya ang palagiang dala ng bagong taon.

Lungkot dahil maraming alaalang nalikha sa loob ng nagdaang panahon, mga alaalang nagbigay ng matingkad na kulay sa ating buhay ngunit alam natin na sa kabila nito ay tiyak na mangungupas ang kinang.

May mga kaibigan, kakilala at maaaring mga mahal natin sa buhay ang nauna na nitong nagdaang taon. Dahil dito ay nawalan o nabawasan tayo ng mga taong makatutuwang sa buhay sa papasok na panahon. Hindi na natin sila makakasama hanggang sa dumating din ang takdang oras para sa atin, kung kailan tayo naman ang mang-iiwan sa mga nagmamahal sa ‘tin.

Gayon man, sa kabila ng hapdi na ating madarama dahil sa pagpapalit ng taon ay makararanas din tayo ng saya sapagkat alam natin na may hatid na bagong misteryo at pag-asa ito sa ating buhay.

Isa itong bagong simula na maaaring magkaroon tayo nang pagkakataon na baguhin ang mga kamaliang nagdaan. May papandayin din na masasayang alaala at magkakaroon tayo ng mga bagong kaibigan at mamahalin sa buhay sa bagong na taong ito. Bagong pakikipagsapalaran, bagong timpla, bagong simula.

Kaya ang hamon sa atin ay kung paaano magiging masaya ang bagong taon at kung paano natin mapapanatiling makabuluhan ito upang ang mga alaalang maiiwan sa hinaharap ay kaayaayang babalikbalikan natin.

* * *

Sana ay matuloy ang pangako ni Russian Ambassador Igor Khovaev na pagbibilhan tayo ng kanyang bansa ng mga bago, hindi pinaglumaan, na mga kagamitan tulad ng barko, submarino at ibang sopistikadong gamit pandigma. Ang mga ganitong armas ay ipinagkakait sa atin ng mga Amerikano dahil ibig nila na palagiang nakalilim sa kanila tayong mga Filipino. Ang karamutang ito ay isang bahagi lamang ng ating pagi-ging neo-kolonyal ng Amerika.

Mabuti na lang at sa puntong ito ay buhay pa ang kaisipang makabansa ni Pangulong Rodrigo Duterte at naisipan niyang ipaling ang ating foreign affairs policy mula sa pagiging tuta ng mga Kano tungo sa tunay na pagiging malaya. Sana ay tunay niyang malagot ang tanikala ng neo-kolonyalismo.

* * *

Kung magkakaroon daw ng Zombie apocalypse ay mauubos ang tao sa loob lamang ng isang daang araw, ayon sa mga siyentipiko. Para sa karagdagang detalye ay mangyaring pakipasyalan ninyo ang aking bagong e-news site, www.beyonddeadlines.com.

Ang Beyond Deadlines ay naglalaman ng mga balita at manaka-nakang malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pa na mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.comSalamat po.

* * *

Kung ibig naman ninyo na maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling. Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort? fref=ts para sa karagdagan na impormas-yon o reserbasyon.

USAPING BAYAN – ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *