Pangulong Digong may mabuting intensiyon pero kapos sa pondo
Jerry Yap
January 5, 2017
Opinion
KAMAKALAWA inamin mismo ng economic team ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na hindi kakayaning ibigay ng administrasyon ang mga ipinangako ng Pangulo na taas ng sahod sa mga pulis, sundalo, at guro.
Ganoon din ang SSS pension hike na P2,000.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, iba ang pangakong-kandidato at iba ang pangako kapag Pangulo na.
Kapag presidente na raw kasi, aktuwal na makikita kung magkano pa ang natitira sa kabang-yaman ng bansa na nauna nang ‘hurutin’ ng sinundang administrasyon.
Siyempre nga naman, kapag tinaasan ang suweldo ng mga pulis, sundalo at mga guro, kasunod na niyan ang iba pang kawani ng pamahalaan.
Habang ang SSS pension hike naman, responsibilidad ‘yan ng mga opisyal ng SSS na itinalaga ng administrasyon na namamahala riyan.
Bakit ipapasa ng SSS officials sa Pangulo o sa Palasyo ang SSS pension hike ‘e GOCC ‘yan at mayroon silang sariling pinagkukuhaan ng pondo?!
Nalilimutan yata ng mga opisyal na itinalaga sa SSS na kaya ipinagkatiwala sa kanila ‘yan ng Pangulo ‘e para resolbahin nila ang mga dapat resolbahin sa ahensiyang ‘yan.
Klaro na hindi nila dapat ipasa sa Palasyo ang solusyon kung paano nila mahi-hit ang target na makapagbigay ng P2,000 pension hike.
Sa kabila ng mga umuusbong na suliranin sa layuning tuparin ang pangako ng Pangulo na itaas ang suweldo ng mga pulis, sundalo at guro, mahihinuha natin na seryoso at pursigido si Pangulong Digong na tuparin ang kanyang mga pangako sa pamamagitan ng mga programa at proyekto ng bawat ahensiya ng pamahalaan.
Iisa lang ang dapat gawin ng economic managers ng Duterte administration, pag-isipan nila kung paano tutuparin ang mga pangakong ‘yan.
Huwag kalilimutan, there are 1001 ways to skin a cat.
LENI DAPAT
MAGPAKATOTOO
HALATANG cnungaling e2 c leni robredo. Sabi niya suporta s’ya sa Duterte administrasyon tapos kung saan ang rally contra duterte dun sya. Plastik talaga c leni. Di sya karapat-dapat mamuno ng bansa. Kung sabagay peke sya di sya ang tunay na nanalo.
+639472918 – – – –
SALAMAT SA IYONG
PAGTANGKILIK
GOOD day po. Lagi ako nagbabasa ng Hataw tabloid at fair kau sa pagbabalita. Unlike iba tabloid. Naku sa palagay ko mga dilawan ung mga writer ng 3 tabloid. Sa front page pa lang malalaman na kung kanino kamping politiko. Kaya etsapwera clang 3 tabloid sa akin. Pinapakinggn ko rin lagi sa DZRJ si Percy Lapid. Gusto ko ung bagong time slot ng Lapid Fire twelve thirty pm to one thirty pm.
+63942612 – – – –
REACTION KAY VP LENI
ANG tingin ko kaya sinibak sa HUDCC c Robredo kc hndi cya produktibo, tamad ata cya? E c Pres. Digong masipag seryoso sa pagsilbi sa bayan at mamamayang Filipino. C Robredo panay reklamo sa pondo, pa-picture-pcture lng sa magazine. Pa-abroad-abroad lang sabay banat nang hndi maganda sa president. Kaya nararapat sa kanya ang sibakin s housing. Nagtaka ako dto kay Robredo panay banat kay BBM wala naman cnasabng masama sa kanya ung Marcoses. Idinadamay pa c BBM.
+639426124 – – – –
SALOT SA DIVISORIA
VENDORS
SIR JERRY isa po akong vendor dito sa Divisoria sa tapat ng Tutuban. Gusto po namin isumbong sa inyo ang ginagawang pangongotong sa amin ng mga pulis na nakasakay sa mobile at sila raw ang siga ng Divisoria na kung tawagin sila ng kapwa ko vendor ay BOYONG MAÑALAC AT ASIONG SALONGA taga Presinto Dos sila at kami sapilitang hinihingan ng 20 pesos kada kariton araw-araw at kapag hindi nakapagbigay, kami ay itinataboy at minumura. Para makapagtinda n lang kami po ay nagbibigay na lang. Minsan pa nga po ay kukuha na lang basta ng aming paninda at hindi po nagbabayad. May puhunan kaming hinahabol tapos kukunin lang ng mga demonyong pulis na ‘yan. Sana matulungan n’yo kami maisumbong kay Gen. Bato ang kanilang ginagawa. Maraming salamat po.
+63937202 – – – –
MAG-INGAT
SA MGA MANDURUKOT
SA QUIAPO
SIR good morning, maraming mandurukot n naman dito sa Quiapo, karamihan sa simbahan at ang tambayan dito malapit sa Andok’s at sa Access school. Meron naman peryahan dito na color game malapit sa Andoks. Meron lumapit sa amin naghingi ng tulong dahil nadukutan sya galing pa sa Masbate at naubos ang pera nya at kahit pamasahe wala na. Ang pangalan ay Rose Concepcion, 18 years old from Masbate. Marami na talaga mga mandurukot dito sa Quiapo at mga snatcher mga adik pa. Concerned Citizen lang po.
+63905940 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap