Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lola patay, 3 sugatan sa QC fire

122916_front
PATAY ang isang lola habang tatlo ang sugatan kabilang ang isang bombero, sa sampung oras na sunog sa NIA Road, Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Sa ulat ni Sr. Supt. Manuel Manuel, QC fire marshal, kinilala ang namatay na si Corazon Teozon, 74, alyas Lola Goring, sa nabanggit na lugar.

Halos hindi na makilala ang bangkay ni Lola Goring nang matagpuan sa nasunog nilang bahay.

Sugatan sa matinding paso si FO1 Benjar A-gatep at dalawang residenteng sina Cherry Velasco, 29, at Albert Holumberyo, 28-anyos.

Ayon kay Senior Supt. Manuel, dakong 6:30 pm kamakalawa nang magsimula ang sunog sa 2 storey residential house na gawa sa kahoy, pag-aari ng isang nagngangalang Ramon.

Umaabot sa 500 bahay ang natupok habang 1,000 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Bago maapula ang sunog dakong 12:48 am kahapon, ang sunog ay umabot sa task force delta ang alarma.

ni ALMAR DANGUILAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …