Friday , November 15 2024

2017 uulanin

BAGO po ang pagarangkada ng BBB, atin po munang batiin ang aking kapatid na si Balikbayan ELIZABETH BALANI ZARA, sampu ng kanyang pamilya, na pagkatapos ng dalawampung taong pamamalagi sa Toronto, Canada ay muling bumisita sa ating bansa.

Welcome home ‘Tol…enjoy the days with your loved ones here in the Philippines.

Balik arangkada na po, tama ka ‘igan, hindi lang uulanin, bagkus babagyohin nga nang todo-todong buwenas ang taong 2017. Ito’y ayon sa tuloy-tuloy at walang-patid na pag-arangkada ni Ka Digong tungo sa ganap na pagbabago. ‘Ika nga ni Ka Digong mga ‘igan, noon pa ma’y nais niyang tunay na pagbabago sa bansa! Kaya naman sige nang sige lang ang mama upang maibigay ang ipinangakong tunay na pagbabago sa kanyang administrasyon.

Bagamat bumaba mga ‘igan ang “net trust rating” ni Ka Digong partikular sa Metro Manila, aba’y ‘di nagpatinag ang mama, sapagkat ubod umano nang lakas ng ‘appeal’ ‘este ‘political will’ ng tigasing presidente!

He He He…na ikinatutuwa ng mga panatikong-Digong! Pero, hindi mo pa rin maiaalis at maiisang-tabi ang mga anti-Digong na patuloy sa pagbatikos sa kasalukuyang pamamahala.

At sus ginoo mga ‘igan, tinapatan ni Ka Digong ng magandang economic performance ang kanyang administrasyon, dahil kitang-kita umano ang pagbababa ng unemployment sa bansa. Ang matindi pa rito’y isasabay ang patuloy na paggulong ng peace talks ng gobyerno at ng CCP-NPA. Inaasahan din ang ulan at bagyong darating sa 2017, ang patuloy pang pagpapaunlad ng infrastructures sa Filipinas.

Sa kasalukuya’y binabatikos ang pag-iisantabi ni Ka Digong sa kanyang 10-point agenda, dahil umano sa sari-saring isyu. Aba’y atin ngang kalkalin itong bakasyong-grande ni Ka Leni Robredo sa Amerika

he he he…

Habang bagyong-grande naman sa Bikol ang kanyang mga kababayan. Mantakin ninyong nakuha pang magbakasyon ng Ale sa Amerika, habang binabagyo o sinasalanta ng bagyong Nina ang kanyang mga kababayan sa Bikol! Totoo ba ito ‘igan?

Sus ano ba ‘yan…OMG!

Speaking of extrajudicial killings (EJK), ang nagiging usapin dito’y ang ilang kababayan nating napapatay umano na hindi naman sangkot sa droga at maging ang ilang mga batang nadadamay din na walang kamuwang-muwang at walang kalaban-labang namamatay dahil din sa droga. Ang tanong, sang-ayon ba na bumababa ang bilang ng krimen partikular yaong may kinalaman sa droga, samantala tumataas naman ang bilang ng mga taong napapatay/pinapatay umano dahil sa lumalalang droga sa bansa?

Sa pagbatikos mga ‘igan ni CBCP President, Archbishop Socrates Villegas sa administrasyong Digong sa isyung EJK, aba’y ramdam ang malasakit pa more ng mga Obispo at Pari sa buhay ng drug addicts at drug-pushers kaysa buhay ng mga inosenteng kababayan nating ginagawan ng karumal-dumal na krimen ng mga animal na mga adik.

OMG…aba’y mag-isip-isip ‘pag may time…he he he… Mas gusto yata ng Archbishop na lumago pa ang bilang ng mga adik sa bansa!

Sus ginoo!

Siguradong uulanin/babagyohin din ng batikos mga ‘igan ang pinirmahang 2017 national budget ni Ka Digong na kompirmadong nasingitan umano ng ‘pork barrel’ for the senators and congressmen. Aba’y ‘di malayong may tokhang–kickback na mangyayari…he he he…di naman siguro. Takot lang nila kay Ka Digong! So, be good lang always…

Happy New Year po!

Sa mga tiwaling lingkod bayan, partikular ang mga opisyal ng barangay, na silang ugat ng katarantaduhan at kawalanghiyaan sa barangay na kanilang nasasakupan, aba’y magbago nang hindi na kayo inuulan o binabagyo ng batikos dahil sa maling gawi at asal ninyo.

Be good lang din always… ‘ika nga, do the right things and do things right…

Happy New Year to all!

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI
 ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *