Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
NORA AUNOR/SEPTEMBER 12,2012 Superstar Actress Nora Aunor during a visit to the Inquirer office in Makati City. “Thy Womb” won three awards for Mendoza at the recently concluded Venice International Film Festival. ARNOLD ALMACEN/INQUIRER

Nora, may disiplina na sa pagba-budget ng kinikita

MAY labada si Nora!

Taga-San Miguel, Bulacan ang nagmamay-ari ng mga bagong produktong sabong panlaba o detergent, dishwashing liquid at fabric conditioner na si Mark David Maon. And obviously, a true-blue Noranian!

Ito ngayon ang nagpabalik ng ngiti sa labi ng Superstar nang kunin niya ito para i-endorse ang OXYBright Detergent na unang inendoso ni Snooky Serna last year!

Ang puso raw para sa masa ng Superstar ang isa sa dahilan kung bakit siya ang napisil ng kompanya ni Mark na mag-promote ng produkto sa print ads muna.

Taong 1995 nang huling mag-endorse ng produkto si Aunor—Lucky Me. At bago siya namalagi sa bayan ni Uncle Sam, nag-promote siya ng Miami Karaoke.

Ayon sa spokesperson ni Aunor na si Robert Gannon, “Ate, ginagawan niya talaga ng paraan ang lahat ng dumarating sa kanya. Kaya lang sumasabay ang mga bayaran sa bahay. Sa koryente. Sa mga bill. Kaya matutuwa ka na ngayon, disiplinado siya sa pag-aayos ng budget niya. Lalo na kapag may dumarating na biyaya gaya nitong endorsement at ‘yung ‘Kabisera’!”

At sana, bumili ng sabong panlaba at manood ng Kabisera ang mga tilirerang fans para maramdaman naman ng idolo nila ang suporta nila!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …