Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jolina at Melai, nakatipid sa koryente dahil sa Meralco Orange Tag

KAPANSIN-PANSIN ang ilang post sa social media nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros ukol sa pagtitipid sa koryente. Roon ay ibinahagi ng dalawang Kapamilya celebrity moms at Magandang Buhay hosts ang tulong ng tinaguriang Meralco Orange.

Ang Meralco Orange Tag ang nagbibigay kaalaman ukol sa konsumo natin sa koryente ng isang klase ng appliance. Roon natin makikita kung magkano ang konsumo kada oras o bawat gamit ng appliances na nasuri sa Meralco Powerlab, isang research at testing facility ng Meralco.

Ani Melai, nakatutulog na siya ng mahimbing dahil alam n’yang P5 lang kada oras ang paggamit ng kanyang aircon. Gumigising siya na sariwa at walang inaalala dahil alam niya kung magkano ang maaaring makonsumong  koryente ng kanyang aircon.

Si Jolina naman ay sinabing na-enjoy niya ang full-blast aircon bonding nights kasama ang anak dahil nakasisiguro sila kung magkano lang ang cost per hour sa paggamit ng aircon sa pamamagitan nga ng Orange Tag.

Ako rin nga mismo naging mapanuri na rin ako sa binibiling kagamitan sa bahay. Tinitingnan ko na rin ang sinasabing Meralco Orange Tag at totoo nga na malaki ang naitutulong nito para mabawasan ang ginagamit na konsumo ng koryente.

At bilang isang writer na gumagamit ng aking laptop ng ilang oras, natutuwa rin ako na malaman na kulang-kulang sa P1 kada oras lang pala ang nagugugol kong koryente dahil dito. Mas may confidence akong gamitin ang aking laptop para mag-surf ng latest na kaganapan sa paligid.

Tulad ko at ng mga nabanggit kong celebrity moms, maari n’yo ring malaman ang electricity consumption at cost ng inyong binabalak na bilhing appliance sa pamamagitan ng Meralco Orange Tag at pagbisita sahttp://www.meralco.com.ph/orangetag.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …