LOOK what clean living can do to a person. Kung ikokompara ang nagkatusak na mga bagets na aktor kay Coco Martin, ‘di hamak na mas young looking si Papa Coco. Pa’no naman, clean living siya at never na nag-indulge sa mga yosi-kadiring bisyo na kinahuhu- malingan ng mga bagets na aktor these days.
Just look at their faces. Chances are you’re going to notice how prematurely old they have become.
Kabata-bata pa’y may dark circles na on their eyes at parang mga kulang sa tulog.
Pati over-all aura ay parang they have grown prematurely old.
Pa’no, sagad sa mga gimikan at kulang sa tulog kaya naman parang mga patang-pata na ang arrive. Hahahahahahahahahaha!
In stark contrast, Papa Coco looks a lot younger than his actual age. Sa totoo, boyish na boyish pa ang kanyang aura kaya naman maraming younger girls ang sa kanya’y nagkakagusto.
Sa soap nga niyang Ang Probinsyano, kahit na marungis ang kanyang mukha at pagod na pagod sa sagad-sagarang taping, somehow, he still manages to look young and fresh.
A lot fresher than the young actors of today who are a lot younger than he basically is. Hahahahahahahahahahahahaha!
‘Yun ang sekreto ng clean living. No drugs. No alcohol and no gimmicks!
Speaking of Ang Probinsyano, napakaganda talaga ng dating ng tandem nina Onyok at Coco M. Ramdam na ramdam ang pagmamahal ni Coco sa batang si Onyok off and on cam.
Talagang may innate rapport sila at ramdam ang connection between them.
No wonder, Ang Probinsyano is doing fabulously well when you speak of ratings. Kinakabog ang kasabayang soap operas dahil solid talaga ang following nito lalo na’t nadagdag pa ang simpatikang si Yassi Pressman na bukod sa sweet at maganda, swak na swak pang talaga ang kanilang tambalan ni Coco dahil umaapaw ang chemistry.
‘Yun nah!
GMA PROGRAMS AT PERSONALITIES,
KINILALA NG ANAK TV AT OFWs
Muling pinarangalan ang GMA Network ng Anak TV Foundation para sa kanilang child-friendly program.
Nanguna sa listahan ng mga tumanggap ng Anak TV Seal ang public affairs program na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), I-Witness, AHA!, Pinoy MD, Born to Be Wild, at Wish Ko Lang.
Kasama sa mga nag-uwi ng karangalan ang ground-breaking animation series na Alamat at lifestyle magazine show na Dream Home. Panalo rin ang mga programa ng GMA News TV gaya ng Ang Pinaka, Biyahe ni Drew, Good News, I Juander, Brigada, Front Row at Pop Talk.
Ang nasabing mga programa ay pinili ng mahigit 5,000 hurado mula sa iba’t ibang sektor sa bansa. Ang screening ng mga programa ay ginawa mula noong Marso hanggang Nobyembre ng taong ito.
Samantala, kinilala ang ilang Kapuso personalities bilang Makabata Stars of 2016 o mga personalidad na naging magandang modelo para sa kabataan. Kabilang sa mga pinarangalan sina Primetime King at Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera; Pepito Manaloto lead star na si Michael V; AHA! at Biyahe ni Drew host na si Drew Arellano; I-Witness host at News To Go anchor na si Kara David; at Wish Ko Lang host at 24 Oras co-anchor na si Vicky Morales. Ang mga Kapuso personality ay pinili ng mahigit 11,000 katao na binubuo ng adult professionals, mga estudyante at mga guro mula sa iba’t ibang unibersidad.
Ilan sa Kapuso programs ang napili bilang top household favorites. Kabilang dito ang GMA flagship newscast na 24 Oras, ang No. 1 primetime soap na Encantadia, ang I-Witness, ang KMJS, at ang well-loved family sitcom na Pepito Manaloto.
Pinarangalan ng Kapisanan ng mga Kamag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc. (KAKAMMPI) ang ilan sa mga programa at personalidad ng GMA na naglaan ng kanilang oras at kakayahan para sa kapakanan ng OFWs.
Sa ika-6 na OFW Gawad Parangal, wagi ang GMA News Online bilang Outstanding News Online for OFWs at napabilang sa Hall of Fame.
Kinilala si Jiggy Manicad bilang Favorite Male TV News Reporter at si Tricia Zafra bilang Favorite Female TV News Reporter.
Ang noontime show na Sunday Pinasaya ang nag-uwi ng parangal bilang Best Variety Show, habang nagwagi sina Gladys Guevarra (Chuchay) at Mary Jane Arrabis (Boobsie) bilang Favorite Comedian Duo.
Ang Best Talk Show award ay naiuwi ng Yan ang Morning! Habang ang primetime soap na Because of You naman ang nagwagi bilang Best Wholesome Story. Ang lead actor na si Gabby Concepcion ay nanalo ng Best Actor award. Napili bilang Favorite Actor ang Kapuso leading man na si Aljur Abrenica para sa kanyang pagganap sa seryeng Once Again.
Tinanggap ng DongYanZia—o sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, at anak nilang si baby Zia—ang parangal bilang Most Popular Family in the Showbiz Industry.
Ang KAKAMMPI ay isang community-based organization ng OFWs at migranteng nakabalik na at kanilang pamilya. Ito ay nabuo mahigit tatlong dekada na ang nakalipas upang tugunan ang lumalaking problema ng labor migration sa bansa.
KA-AMUSE NAMAN
Hahahahahahahahaha! Sa dinami-rami ng puedeng hingan ng tulong tungkol sa projection ng innate sensuality ng isang babae, how so very amusing that this young actress chose to ask her leading man to help her in this department. Harharharharharhar!
Ano kaya ang tingin niya sa kanyang leading man, femme fatale? Hakhakhakhakhakhakhak!
Ka-amuse naman.
Lalo tuloy lumala ang mga nagdududa sa kanyang rumored boyfriend dahil dito. Hahahahahahahahahaha!
Hayan kasi at marami na ang nagdududa sa kanyang ‘boyfriend’ tapos, pinili niyang magturo sa kanya ng sensuality.
Ano ‘yun? Hahahahahahahahahahaha!
Basta! Hahahahahahahahahaha!
Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.
And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!
BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.