Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sen. Leila De Lima public enemy no. 1 ng Digong’s admin?!

NAKAGUGULAT ang nabasa nating balita kanina.

Deklarasyon ba ng Duterte administration na public enemy number one na si Senator Leila De Lima o anggulo lang ng isang pahayagan?!

Ayon sa isang pahayagan, binansagan daw ng

Office of the Solicitor General (OSG) si Sen. Leila De Lima, na ngayon ay maituturing nang public enemy number one.

Aba, hindi ba’t kapag public enemy no. 1 ay wanted at shoot-to-kill order na agad?

Wattafak!?

‘Yan daw ay base sa mga nakalap na dokumento ng Department of Justice (DoJ) partikular ang statements of bank accounts ng mga pinaghihinalaang sangkot sa operasyon ng droga sa loob ng National Bilibid Prison (NBP).

At ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre mismo, ipinasa na ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang bank documents kabilang ang statement of account ni Sen. Leila De Limaw ‘este De Lima.

092916-de-lima-bilibid

Pero, may pasubali pa naman, hindi pa raw kompleto ang mga dokumento at hindi pa nababasa ni Sec. Vit ang lahat ng dokumento ng AMLC.

E ‘yun naman pala…

Kanino galing ang deklarasyon na public enemy no. 1 na si Senator Leila?

Wattahek!

Wala pa naman sa bansa ngayon ‘yung senadora, ‘e baka matakot nang bumalik sa bansa si Madam Leila, kasi baka magkaroon siya ng feeling na sasalubungin siya ng ‘pusil’ sa tarmac?

O kaya naman, abangan ng warrant of arrest si Madam Leila pagdating sa NAIA sa Huwebes (22 Disyembre)?!

Swak agad sa hoyo…

Kapag nagkataon, Paskong-Hoyo si Madam Leila!?

Kung sabagay, mas maigi na ‘yung Paskong-Hoyo, kahit paano ay maipagtatanggol pa niya ang kanyang sarili. Kaysa naman Paskong eternal peace forever and ever, amen!

Mukhang may malaking mangyayari sa Huwebes (22 Disyembre)…

Abangan!

MALACAÑANG HAS TOO
MANY SPOKESPERSONS

082416 Malacañan

Parang ang daming bibig sa Malacañang ngayon…

Parang araw-araw, ang daming bibig na nagsasalita.

Hindi na tuloy malaman ng tao kung sino ang pakikinggan at paniniwalaan.

Magsasalita si Secretary Vitaliano Aguirre… maya-maya si Foreign Secretary Perfecto “Jun” Yasay tapos biglang rerepeke si Presidential Legal Adviser Salvador Panelo.

Humihirit rin si House speaker Pantaleon Alvarez.

Lahat sila nagasalita, in lieu of President Rodrigo “Digong” Duterte.

Ang daming gustong umepal at magpasiklab kay Pangulong Duterte?!

Kaya lalo tuloy nagugulo ang mensahe ni  Pangulong Digong para sa tao.

Hindi ba puwedeng si Communications Secretary Martin Andanar at Presidential Spokesperson Ernesto Abella na lang ang magsalita at magpaliwanag sa mensahe ng Pangulo?

Magtrabaho naman ‘yung mga daldal nang daldal lang kahit naman hindi dapat magngangangawa!

Puwede ba secretaries Vit, Jun & Sal, lagyan muna ninyo ng packaging tape ang mga bibig ninyo!

Ang iingay ninyo!

HAPPY BIRTHDAY
MAYOR FRED LIM

122116-lim-bday

Another milestone for one great man… Mayor Alfredo Lim.

Ngayon po ang araw ng kapanganakan ni Mayor Alfredo “Fred” Lim at sigurado tayo na walang ibang gagawin ngayon ang magiting na Alkalde kundi ang makapiling ang mga paborito niyang puntahan tuwing kaarawan niya — Tondo at ang Hospicio de San Jose.

Gaya ng taon-taon niyang ginagawa, inuuna niya ang kawanggawa sa mga kapos-palad bilang pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Kaya naman hindi nauubos ang biyaya sa kanya.

Happy birthday Mayor Fred Lim, more birthdays, good health and more blessings sa inyo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *