Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Congw. Vilma muling pinasaya ang Vilmanians sa kanilang annual Christmas party (Nora muling nabiyayaan ng endorsement)

AFTER many years, muling pinagkatiwalaan si Nora Aunor na mag-endoso ng produkto.

Sa katunayan ay katatapos lang mag-pictorial ni Ate Guy para sa sabong panlaba na ipo-promote at nakatakda na rin daw mag-shoot ng TV commecial niya ang superstar para rito.

Matatandaan, noong panahon ni Ate Guy ay halos lahat ng mga malalaking produkto ay ini-endorse niya at noong time na iyon, ang bayad sa kanya ay kahalating milyon pataas.

At least, may bago siyang pinagkakakitaan na pandagdag sa kanyang expenses.

Samantala idinaos pala kagabi ang red carpet ng “Kabisera” sa SM Megamall Cinema na dinaluhan ng buong cast sa pangunguna ni Ate Guy at successful raw ito.

Sa December 25, kasabay ng pito pang entries sa Metro Manila Film Festival ay magbubukas ang Kabisera sa mga sinehan at mapapanood sila hanggang January 3.

Malakas raw ang laban ni Ms. Aunor sa best actress at lahat ng Noranians ay nagwi-wish na siya ang manalo sa MMFF Awards Night.

101% deserving gyud!

***

Kung abala sa paggawa ng pelikula at endorsement si Nora, ang kumareng kongresistang si Vilma Santos ay hindi binigo ang kaniyang die-hard Vilmanians sa kanilang Annual Christmas Party last December 16 na ginanap sa sikat na resto sa Roxas Boulevard.

Actually imbitado ang inyong dear columnist sa nasabing affair pero kahit hindi kami nakadalo dahil kasalukuyang nasa bakasyon kami ng aking kids dito sa GENSAN ay nabalitaan naming well attended at nag-stay raw talaga si Ate Vi hanggang matapos ang party na sagot niyang lahat.

Kaya naman masayang-masaya ang lahat ng mga tagahanga ng Star For All Seasons specially ang mga officer ng Vilma Santos Solid International (VSSI) led by Jojo Lim. Super touched kami kay Ate Vi, dahil kahit na wala kami sa event ay ipinadala pa rin niya sa aking BFF na si Pete A., ang kanyang Christmas gift sa akin.

This 2017, isa sa gusto ni Ate Vi, ay teleserye at posibleng sa ABS-CBN gumawa ang sikat na actress-politician.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …