Friday , November 15 2024

Mga pergalan sakla namamayagpag

TRADISYON na para sa mga Filipino ang pumasyal sa maliliit na karnabal na kung tawagin ay perya kapag may piyesta o malapit na ang Pasko, at magpakasaya sa pagsakay sa Ferris Wheel o kaya ay Horror Train.

Legal ang operasyon ng perya kapag nakakukuha ng permit para mag-operate at makapagbayad ng kaukulang amusement tax sa gobyerno.

Nagiging ilegal ang takbo ng perya kapag pinasukan ng bawal na sugal tulad ng “color games” at “drop ball” kaya tinatawag itong “pergalan.”

Batid naman natin na kapag ilegal ang isang negosyo at malaki ang kinikita ay hindi ito makapagpapatuloy kung walang basbas ng mga corrupt na awtoridad. Ang mga nagpapatakbo ng pergalan ay obligadong maglagay at magbigay ng lingguhang parating sa mga nangongotong na pulis.

Noong isang linggo lang ay ibinunyag ng Fi-ring Line ang color game na katabi ng sangay ng Andok’s sa Quezon Boulevard sa Quiapo.

May sugalan din siya sa Ilaya sa Divisoria na malapit lang sa mismong PCP at pati na sa simbahan. Hinihintay lang nilang magsara ang simbahan bago buksan ang sugalan.

Pero isang araw lang tumigil ang ilegal na operasyon ni Marissa at agad din nagpatuloy ang maliligayang araw. Marahil ay hindi na magsisilbing palaisipan kung bakit hindi natitinag ang nasabing operasyon.

Ang tanong na lang na umiinog sa isipan ng ibang nagsumbong sa Firing Line tungkol sa ilegal niyang operasyon ay kung ano raw kaya ang “pamasko” na isinuka sa mga “panginoon” para magpatuloy ang kanyang pagpapatakbo?

Muli ay nananawagan tayo kina Superintendent Santiago Pascual III, Manila Police District Station 3 chief, at Superintendent Arnold Thomas Ibay, MPD Station 2 chief, na nakasasakop sa Quiapo at Ilaya. Aksiyonan po ninyo ito.

Totoo kaya na kahit kay Mayor Erap Estrada ay malakas ang pergalan na ‘yan?

Hindi rin natitinag ang “Saklang Patay” na ang financier ay si JM. Ang nagpapatakbo ng sakla ay si Zaldy Rivera na kolektor din umano sa pirated DVDs ng mga pulis. Itong si Jun Pulo naman na kolektor daw ng District Special Ope-rations Unit (DSOU) ng Quezon City Police District ay nag-o-operate rin ng saklaan.

Hiling natin na umaksiyon ang QCPD Station 3 na ang hepe ay si Superintendent Danilo Mendoza dahil nasasakop nila ang tatlong saklaan sa Baesa, Quezon City.

At siyempre, natural lang na ipinaaabot din natin ang panawagan sa bagong promote na si Chief Superintendent Guillermo Eleazar, QCPD director, para aksiyinan ang nasabing mga su-galan.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *