Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

GM Ed Monreal mahigpit na ipatutupad ang 20% diskuwento sa pasahe sa airport taxi ng senior citizens

MAGANDANG balita po para lahat ng senior citizens, pasahero o well-wishers (naghatid at nagsundo) man sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)!

Mahigpit nang ipinag-utos ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal sa lahat ng accredited na transport group sa NAIA kabilang ang mga puting taxi na mahigpit niyang ipatutupad ang 20% discount para sa senior citizens bilang pagtalima sa memorandum circular ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay GM Ed Monreal, ipararamdam ng kanyang administrasyon sa mga senior citizen ang nasabing pribelihiyo sa apat na terminal ng NAIA, pasahero man sila o kabilang sa send-off party.

Inilinaw maigi ni GM na ang mga kabilang diyan ay airport-accredited transport services lalo na ang rent-a-car at coupon taxis na may fixed rate at ganoon din ang yellow-metered taxis.

Ganoon din ang mga puting taxi na pinapapasok sa NAIA bilang suporta kapag sabay-sabay na dumarating ang mga eroplano sakay ang maraming pasahero mula domestic at iba’t ibang bansa.

072415 miaa naia taxi

Aba, tiyak na maraming matutuwang senior citizen kapag naging full implementation na ‘yan.

Sana naman ay maging cooperative ang mga transport groups at iba pang type of passenger vehicles na tinutukoy dito.

Pero, gaano naman nakasisiguro na tama ‘yung singil at ‘yung itinakdang pasahe ng airport-accredited transport services lalo na ang rent-a-car at coupon taxis na may fixed rate at ganoon din ang yellow-metered taxis?

‘Yan siguro ang dapat bantayan ng itatalaga ninyong tao para riyan, GM Ed.

By the way, gumagawa na rin nga pala ng hakbang si GM Monreal na maipatupad na rin sa airfare ang 20% discount para sa senior citizens pero ito ay under jurisdiction ng Civil Aeronautics Board (CAB).

Ang huling balita natin, hinihintay na lang daw ang pasabi ng CAB para sa implementation ng 20% airfare discount and privilege sa lahat ng senior citizens para sa domestic air travels.

Secretary Arthur Tugade, GM Ed Monreal, malaking bagay ang 20% discount sa senior citizens at sa kanilang pamilya lalo na kung emergency cases ang magiging pangangailangan nito.

Mabuhay kayo!

PAYAG BA KAYONG
MAGING PRESIDENTE
SI MANNY “PACMAN”
PACQUIAO?

111616-pacman-duterte

Seryoso kaya si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na iendoso si Senator Manny Pacquiao para maging susunod na presidente ng bansa?!

Aba ‘e ang tawag na natin diyan kay Sen. Manny ‘e super lucky kapag nangyari ‘yan.

Mantakin ninyo, naging Congressman at Senador ang pambansang kamao at ang kasunod ay magiging Panggulo ‘este Pangulo pa ng ating bansa.

Wowowin!!!

Tiyak mag-aalboroto na naman ang mga elitistang intelektuwal diyan sa endorsement na ‘yan ni Digong.

Hindi kaya tumakbo ring president si Madam Senator Leila De Lima kapag nag-push nang tuluyan si Senator Manny sa pagka-presidente?!

At kung magkakaroon ng malaking pagbabago ngayon sa administrasyon ni Pangulong Digong, tiyak na lalakas din ang endorsement niya kay Sen. Pacman.

Anyway, sabi nga ‘e, it’s too early to talk about this matter…

Let us just wait and see.

By the way, belated happy birthday Sen. Manny Pacquiao!

MTPB TOWING
NANANALASA
NA NAMAN
SA MAYNILA!

122016-towing-tow-manila

Balik-kalsada na naman pala ang binansagang berdugo at pahirap sa mga motorista sa kalsada sa Maynila.

Nag-umpisa na nga raw manalasa sa mga motorista lalo na sa truck operators pati na ang mga pribadong sasakyan sa residential area na nakaparada sa harapan ng bahay nila.

Anak ng tungaw!!!

Nasa tapat na ng bahay mo kinakalawit pa rin ng buwitreng towing ng MTPB?!

Kaya talagang napapamura sa galit ang mga residente ngayon sa Tondo lalo sa Gagalangin area na halos araw-araw ay sinasagasa ng towing ng MTPB.

Ang prehuwisyong towing truck ay may tatak na RWM at may mga crew na nakasuot ng asul na t-shirt na mukhang naghahanap lang ng regular na tarya?!

Mistulang mga gutom na buwaya nga raw ang mga hinayupak?!

“Sa halip na ang batakin nila ay mga kolorum van na nakaparada riyan sa Lawton illegal terminal ‘e kaming mga nanahimik na residente ang pinahihirapan nila,” hinaing pa ng isang taga-Gagalangin.

Pinaalalahanan ko lang ang mga motorista at may-ari ng mga sasakyan sa Maynila na maging alerto kayo sa RWM towing na ito!

DESMAYADO SA MPD
“DELIHENSIYA GROUP”

SIR Jerry, tama ho kayo na nadesmaya kaming mga pulis na matitino dto sa MPD kay DD dahil binigyan ng puwesto si Kupitan ng delihensiya group. Kita n’yo walang accomplishment dahil puro pitsaan ang lakad nila. Maling-mali ang ginawa ni Director Coronel.

+639184166 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *