Friday , November 15 2024

Merry Christmas Sen. Manny “Coffee Mug” Pacquiao!

ISA sa mga maituturing na multi-milyonaryong (o bilyonaryo?) mambabatas o politiko sa bansa ay si Senator Manny “Pacman” Pacquiao.

At hindi piso ang pinagmumulan ng kanyang yaman kundi dolyares.

Madalas nga nating mabalitaan na galante si Senator Manny lalo na kapag nagpapalipas siya ng oras noon sa bilyaran, casino at poker house.

(Pero noon daw iyon, hindi na raw ngayon naglalagi o nagagawi man lang sa casino ang People’s boxing champ).

Marami rin tayong naririnig na mahusay ‘umayos’ si Senator Manny.

121916-pacman-mug

‘E ‘di ba nga, marami siyang inilibre sa mga laban lalo na last bout niya sa Las Vegas, Nevada US of A?

Napakagalante namang talaga!

Pero… ano itong nabalitaan natin!?

May mga ipinamigay daw si Sen. Manny na coffee mug as Christmas gift sa Senado?

Coffee mug only!?

Tinanong ko pa nga ‘yung ilang binigyan ng regalong coffee mug only… “Baka naman parang ‘Maslog coffee mug’ ‘yan na ‘cold cash’ ang laman at hindi hot coffee?!”

Pero, nada as in nothing, negative!

Kahit kape na ilalagay sa coffee mug, waley!

Tsk tsk tsk…

Kaya sobrang sad ‘yung mga nabigyan ng Pacman coffee mug dahil inaasahan nila na si Sen. Pacman ang pinakabonggang Christmas gift o giveaway.

Siguro dapat tanggapin ng mga nabigyan ng Pacman coffee mug ang katotohanan na kapag si Sen. Manny ang nagbigay ng Christmas gift, “It’s the thought that counts…”

Sabi nga, magpasalamat muna, bago magreklamo. Hik hik hik…

Ganoon nga ba ‘yun, Senator Manny?!

INSTANT DRUG REHAB FACILITIES
NAGSULPUTANG PARANG KABUTE!
(ATTENTION: DOH & DDB)

071516 DOH DDB drug shabu

DAHIL sa maigting na drug war ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, hindi lang mga punerarya ang nagsulputang parang kabute ngayon sa bansa.

Nagsulputan na rin ang napakaraming instant drug rehabilitation facilities sa bansa lalo na raw diyan sa CALABARZON at sa Baguio area.

Ang singilan daw po riyan ay pang-high end.

‘Yung iba naman, kunwari advocacy at hindi maniningil sa mga indigent pero front lang pala para makakuha ng paying clients.

Noong una, narinig natin ang mga tsismis na marami raw tongpats sa droga ang ‘naglalabada’ ng kuwarta ngayon sa pagtatayo ng mga punerarya.

Ngayon naman, posible kayang, may naglalabada na rin ng kuwarta sa pagpapatayo ng mga private drug rehabilitation facility?!

Gaya po nang paulit-ulit na nating sinasabi, ang inyong lingkod ay masugid na advocate laban sa ilegal na droga.

Kaya naman, isa tayo sa nalulungkot sa mga nababalitaan nating biglang nagsulputang private drug rehab facility.

Nanawagan po tayo sa Department of Health (DoH) na maging mahigpit sa pagmo-monitor ng mga bagong rehab facilities.

Nakapagtataka po kasi na napakabilis makapagtayo ng ilan para gawing negosyo.

Alam po ba ninyong napakaraming rekesitos bago makapagtayo ng isang rehab center?

Bukod diyan, napakahirap pong kumuha ng mga professional staff. Kaya nakapagtataka talaga na napakabilis ng pagdami ng rehab centers or facility sa bansa na walang DOH accreditation at compliance.

‘Yung iba ngang matagal na sa ganitong professional care ‘e madalas na nahihirapang makakuha ng mga karagdagang professional staff, ‘yung bago pa kaya?!

Secretary Paulyn Rosell-Ubial, I smell something fishy, puwede bang pakibusisi lang?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *