MISMONG si Vice President Leni Robredo ay umamin na hindi niya kayang pamunuan ang isang disorganisado at watak-watak na oposisyon gaya ng Liberal Party (LP).
Araykupo!
Sabi nga niya, ang LP na namuno sa loob ng anim na taong termino ni PNoy ay agad na kinalambre nang makita nilang inabot ng 16 milyon ang nakuhang boto ni Pangulong Duterte.
Inilampaso ang kanilang standard bearer na si Mar Roxas.
Kaya imbes palakasin ang kanilang partido, aba biglang naglundagan sa PDP-LABAN mula sa lumulubog nilang barkong LP.
‘E ang napili pang interim president nila ngayon ay si Sen. Kiko “Noted” Pangilinan.
Natauhan siguro si VP Leni nang abisohan siya ni CabSec Jun Evasco na hindi na siya pinadadalo ng Pangulo sa Cabinet meeting.
Na-realize siguro ni VP Leni na ginagamit lang siyang ‘kalasag’ ng mga kasama niya sa LP.
Aba ‘e mantakin ninyong, walang ginawa ang kanilang partido kundi upakan si tatay Digs, gayong siya ang bise presidente ng bansa?!
E ‘nong sabihan siya ni Pangulong Digog na huwag nang dumalo sa Cabinet meeting, ano ang ginawa ng kanyang Partido?
Ipinagtanggol ba siya?
Nag-rally ba sa Mendiola para iprotesta ang pagbabawal sa kanyang dumalo sa Cabinet meeting?!
Waley!
Nganga lang ang LP dahil mismo sila ay nagulat din na puwede palang gawin iyon ni Tatay Digs kay VP Leni.
‘Yan na nga ba ang sinasabi natin, puro kasi pamomolitika agad. Hindi pa nagpapakita ng pruweba na magaling silang magtrabaho ‘e puro pamomolitika na.
E anim na buwan pa lang nakauupo ang administrasyon ni Pangulong Duterte at nasa proseso pa ng pag-aayos ng kanyang mga Gabinete ‘e puro upak na ang ginagawa ng LP?!
Puwede ba, trabaho muna bago ambisyon!
KABAYAN PARTY-LIST
KANYA-KANYANG
LAGLAGAN NA