LAST Thursday habang papunta kami sa Star Cinema office ay namataan kong nakasakay sa wheelchair ang aming kabayan sa GENSAN na si Melai Cantiveros.
Nang tsikahin namin sa aming lenguwaheng bisaya si Melai kung ano ba ang nangyari sa kanya at naka-wheelchar siya mabilis niyang tugon na may bleeding raw siya kaya may tapis na kumot ang bandang puwitan ng komedyana para maibsan ang kanyang pagdurugo.
Buntis kasi ngayon si Melai sa pangalawa nilang baby ng mister na si Jason Francisco at mukhang maselan ang pregnancy niya. Dinugo siya sa gitna ng taping nila ni Jolina Magdangal at Karla Estrada sa morning show nila sa ABS-CBN-2 na “Magandang Buhay.”
Ingat-ingat sa pagkilos gyud Day.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma