Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Bolante panalo sa justice delayed justice denied

KINAILANGAN munang matapos ang administrasyon ni PNoy bago iabsuwelto ng Sandiganbayan Second Division si dating Agriculture Undersecretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante sa kinasangkutang kaso ng plunder dahil sa P723-milyong fertilizer fund scam.

Si Bolante ay isa sa mga itinalagang opisyal ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noon sa kanyang administrasyon.

Pero matapos paslangin ang mamamahayag na si Marilen Garcia –Esperat noong Marso 2005, lumutang ang pangalan ni Bolante sa isinasagawang imbestigasyon sa Senado.

Dawit din sina Assistant Agriculture Secretary Ibarra Poliquit at fertilizer suppliers na sina Jaime Eonzon Paule, Marilyn Araos, Joselito Flordeliza, Marites Aytona, Jose Barredo at Leonicia Marco-Llarena.

Kasama noon sa sa co-accused si Arroyo sa kasong graft ngunit inabsuwelto ng Ombudsman dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Pagkatapos ng isang dekada at isang taon, inabsuwelto ng Sandiganbayan si Bolante sa kasong plunder na ang rason, kakulangan ng mga ebidensiyang isinumite ng prosecutors laban sa dating opisyal.

“There is no document and/or testimony submitted to establish that accused Bolante received this unliquidated amount so as to make him probably guilty of the crime of plunder,” bahagi ng 24-pahinang desisyon ng Sandiganbayan.

Wattafak!?

Sa pagdinig na ginawa sa Senado na umabot halos nang isang taon, lumabas na dinaya ang mga fertilizer na isinu-supply sa mga magsasaka.

121416-jocelyn-jocjoc-bolant

Pero ayon sa Sandiganbayan, walang ebidensiyang nag-uugnay na kasabwat si Bolante sa nasabing iregularidad.

Mantakin ninyo, inabot nang lampas isang dekada bago nadesisyonan?!

Ang tagal natulog at nang magising ay absuwelto lang pala?!

Hindi ba’t masasabi na ring “justice delayed is justice denied” sa kasong iyan ni Bolante?!

Mayroon tayong alam na convicted sa plunder, pero pinatawad at pinayagan pang makatakbong muli sa eleksiyon.

Mayroong sinampahan ng kaso dahil sa ghost employees pero tumalon lang ng bangka mukhang makasisilat pa ng posisyon kahit talunan sa eleksiyon.

Sana ay bumilis-bilis na ang “the change is coming” para naman masampolan na ang mga tunay na salot sa sambayanan.

Kay Jocjoc Bolante, sana’y kapulutan ng aral ang kaso niya sa iba pang kaso ng graft and corruption, at sana’y maging mabilis ang Sandiganbayan sa paglalabas ng resolusyon sa mga ganitong klase ng kaso.

Huwag sanang dumami ang mga mandarambong na makikinabang sa justice delayed is justice denied.

‘Yun lang!!!

DRUG WAR NI DIGONG
‘INAABUSO’ BA
NG LOCAL POLICE?

121416-police-dead

Dapat sigurong magtayo ng isa pang yunit si PNP chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na tututok naman sa pang-aabuso ng ilang pulis sa kanilang ‘teoryang nanlaban’ ang mga dinarakip na drug personality.

Ito ‘yung tinatawag na ‘extrajudicial killings’ na grabeng  nagaganap kahit sa mga drug user.

Kung dati ay sinasabing “jail the pusher, save the pusher” ngayon ala-buffet na “shoot all you can!”

Deretsahan na sinabi ng ating Pangulo na wala siyang alam sa mga EJK at ang mga nangyayaring patayan ay isang ‘dirty job.’

Isa sa mga itinuturo pa ay gawa umano ng ilang vigilante?!

‘E bakit hindi kayang hulihin ng pulisya ang mga ‘vigilante’ na promoter ng EJK!?

Kung anong pagtatanggol ni Digong sa mga pulis, ‘e siya namang pang-aabuso ng kanyang mga ipinagtatanggol sa paggamit ng pangalan ng Pangulo.

Palagay natin ‘e kailangan manindigan si Tatay Digs bilang commanding in-chief dahil kung hindi, isang araw ay magigising siyang pasan-pasan ang asunto ng mga lespu ni Gen. Bato.

For the meantime, patuloy pa rin tayong magbibilang ng mga bangkay na biktima ng EJK!

Amen…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *