Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

RUPA, ‘tailor-made’ na organisasyon para patalsikin si DOTr Sec. Arthur Tugade

ISANG organisasyon na nagpapakilalang Road Users Protection Advocates (RUPA) ang nagpa-press release na dapat daw patalsikin si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade dahil protektor daw siya ni casino tycoon Jack Lam.

Noong panahon daw kasi na pumasok si Lam sa Clark ay si Sec. Tugade ang presidente ng Clark Development Corporation (CDC).

Hayop naman pala ang logic nitong RUPA. Parang “the king is a ruler, the ruler is 12 inches long, therefore, the king is…”

Sabi nga ni Transportation Assistant Secretary Cherie Mercado, hindi komo locator si Lam sa Clark at si Tugade ay presidente ng CDC, ‘e pareho na sila ng ginagawa.

Sa totoo lang, mahigpit umano si Secretary Tugade noong siya ang presidente ng CDC lalo na sa pag-aapruba ng business process outsourcing dahil ayaw nga niyang magamit ito sa online gambling.

Ayon mismo kay kasalukuyang CDC president Noel Manankil, mahigpit sa pagpapatupad ng mga patakaran at kautusan si Sec. Tugade. Ilang malalaking casino nga ang ipinasara niya dahil hindi nagbabayad ng obligasyon nila sa gobyerno.

Tiniyak din ni Sec. Tugade na nagsusumite ng mga dokumento ang mga locator kapag nag-a-apply para sa work permits bago iendoso sa Department of Labor and Employment (DOLE) at sa Bureau of Immigration (BI).

Sa inisyal na imbestigasyon at pagtatanong, natuklasan na ang RUPA ay mukhang binuo lamang para sa layuning i-single out o patalsikin si Sec. Tugade.

Para raw sila sa road users, pero sa totoo lang wala man lang ginawa, kahit isang adbokasiya para sa road users. Walang profile o mission statement at ang kanilang Facebook page ay bagong gawa lang.

Ilan lang ‘yan sa matitingkad na obserbasyon ng mga taga-DOTr.

In short, mayroong ‘kumikita’ para patalsikin si Sec. Tugade. Sino kaya ang principal?!

Pero sabi nga, you cannot put a good man down. Imbes aksayahin ni Sec. Tugade ang pagsagot sa mga gawa-gawang intriga, mas focus ang kalihim para mailabas ang mga nakabinbing driver’s license card sa first quarter ng Enero 2017.

Inaayos na rin ang muling pagbubukas ng biyahe ng Philippine National Railways (PNR) patungong Bicol, relaunching ng Pasig Ferry system, at opening ng Ninoy Aquino International Airport Expressway section.

At higit sa lahat, ang prayoridad na tutukan ang pagsasaayos ng trapiko sa mga pangunahing kalsada sa Metropolis.

Tsk tsk tsk…

Malamang ‘maglupa’ ‘yang RUPA kaaambisyon na patalsikin si Sec. Art Tugade.

By the way, alam na kaya ni Sec. Tugade kung sino ang mga nagtatago sa likod ng RUPA?

Kung  sino man sila, sisiw ‘yan kay Madam Cherie M!

SBMA LOCATORS
LITONG-LITO NA

110216-sbma-dino-escolango

Hindi pa rin pala nareresolba ang komplikadong situwasyon ng pagkakatalaga kina Subic Bay Maetropolitan Authority (SBMA) Chairman Martin Diño at acting administrator Randy Escolango.

Iginigiit umano ni Escolango na ang appointment sa kanya ng Malacañang ay hindi pa inire-revoke ng Office of the President.

Pero ayon naman kay Chairman Diño, bukod sa mayroon siyang appointment mahigpit umano ang tagubilin ng Malacañang na siya ang itinatalagang Chairman, CEO at administrator.

Aba, okey lang Chairman Diño kahit buong pamilya pa ninyo ang mamahala sa SBMA, ang importante huwag maguluhan ang mga locator.

Marami kasing nalilitong locators kung sino ba talaga ang kakausapin nila sa SBMA.

Sa ganang atin, tanging ang Office of the President lamang ang makareresolba sa problemang ito.

Kailangan nila itong aksiyonan sa lalong madaling panahon upang huwag maapektohan ang komersiyo sa SBMA.

TANDEM NA ALIAS KUMAR
AT JAN-JAN RATSADA SA NAIA!

031816 immigration NAIA plane

Kung meron daw dapat na magpaliwanag tungkol sa walang tigil na palusutan ng pasahero lalo na pagdating sa mga Bombay at Chinese pati sa pamamasahero sa NAIA, ito ang notoryus tandem nina alias “KUMAR” at  “JAN-JAN!”

Mr. Dong Castillo kilala mo ba ang dalawang ‘yan?!

Nagsimula raw ang “tandem” ng dalawa mula nang maging hepe noon si alias Kumar samantala saradong bata naman ni Tonettesky si alias Jan-jan noong kapanahunan ni ex-commissioner Ric David Dayunyor!

Parang ‘exodus’ na tinatanggap sa ating bansa ang pinararating nilang ‘kambing’ o Bombay kahit ‘pikit’ ang kanilang mga visa!

Sonamabits!!!

“Kambing-trafficking?!” ‘Yan ang expertise nila!

Hindi ba’t may direktiba na ang POD Chief tungkol sa pagbabawal ng pagpaparating ng mga kambing sa panahong ito?!

Mga anak kayo ng kambing!

Kasabwat pa raw nitong si alias Jan-jan ang ilang TCEU pati na ang ilang primary inspectors na kanyang mga katropa sa gimikan?!

Palibhasa raw ay nakapag-establish ng kanyang koneksiyon sa mga tropang TCEU members at Primary Inspectors si alias Jan-jan kaya naman minamani lang niya ang pagpapastol ng mga ‘kambing’ sa NAIA na isinu-supply ng partner niyang si alias Kumar.

Kumbaga si Jan-jan ang hit man at taga-kamada ni Kumar sa kanilang raket.

Commissioner Bong Morente, maraming nagsasabi na hindi raw kayang buwagin ang tandem nina Kumar at Jan-jan sa NAIA!

Matagal na raw ang raket na ‘pagpaparating’ ng mga Bombay at Chinese ng dalawang ‘yan!

Hangga’t nariyan daw ang dalawang ‘yan patuloy ang kalakaran ng mga kagayang transaksiyon diyan sa NAIA!

Papayag po ba kayo na magpatuloy ang raket ng dalawang ‘yan, Sir?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *