Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Unli–sex ng DOH OMG

LUMALALA mga ‘igan, ang pagkalat ng HIV/ AIDS sa bansa. Ngunit magpahanggang ngayon ay wala pang solusyon laban sa mabilis na pagkalat nito nito lalo sa mga kabataan.

Ang matindi mga igan, imbes mapigilan ang lumalalang pagtaas ng bilang ng kaso ng HIV/AIDS infection, ay sus ginoo ‘igan, tila lalo pang hinikayat, partikular ang mga kabataan, na mag-premarital-sex o’ extramarital-sex kahit may gatas pa sa labi, dahil sa napipintong pamimigay ng libreng condom, partikular sa mga estudyanteng nagsisipag-aral sa mga paaralan, ng Department of Health (DOH).

Hey Hey Hey! DOH, hinay-hinay lang sa pagpaplano! ‘Ika nga’y mag-isip-isip ng isa, dalawa, tatlo. Ang tanong rito’y, ang pamimigay nga ba ng libreng condom ang sagot sa paparaming-bilang ng nagkakasakit ng HIV/ AIDS?

Hindi kaya pagpapraktisan ng mga kabataan ang free condom na ‘yan?

Bagama’t magdiriwang ng Pasko sa buwang kasalukuyan mga ‘igan, sa susunod na buwan pa ipamimigay ng DOH ang kanilang pamaskong handog sa mga kabataan, ang libreng condom!

Yeheeey! Boom-Panis!

Anak ng teteng, ano ba ito at may kaakibat pang wish o assignment sa mga mga magulang, na ituro umano sa kani-kanilang anak ang safe sex nang “direct to the point.” ‘Yung tipong walang kyeme…OMG!

Ang tanong dito mga ‘igan, may sapat bang kaalaman ang lahat ng magulang upang magampanan ang ipinapataw na responsibilidad ng DOH sa balikat ng mga magulang?

At paniniwalaan kaya sila ng kani-kanilang anak? I doubt… may ilang sutil d’yan he he he…

Aba’y, bakit hindi na lamang ibigay sa mga gurong may likas na kakayahang magturo partikular ng tungkol sa disiplina at moralidad, nang sa ganon mga ‘igan, magkaroon ng tamang kaalaman at wastong kaisipan ang mga kabataan lalo sa usaping pakikipagrelasyon at pagbubuo ng pamilya?

Tanging mga guro ang makapagpapakita at makagagamit ng tamang estratehiya upang maituro nang pormal at maayos sa mga kabataan ang tungkol sa sex education.

So, go DepEd go…Aral muna bago condom!

At siyempre, kailangan sa aral ang libreng libro, bago ang libreng condom!

 SUNOD-SUNOD NA
BENTAHAN SA MAYNILA

Nagulantang mga ‘igan, ang sambayanang Manileño sa usaping bentahan umano ng Rizal Memorial Sports Complex, na nagdaos ng mga makasaysayang kompetisyon, national at international level.

Nauna na umanong ibinenta ang Manila Zoo. Ayon sa aking pipit, walang kaabog-abog na ipina-demolish ang Army and Navy Club building, samantala isa ito sa mga idineklarang “National Historical Landmark” noong 1991. Ano’t pinapayagan ang mga ganitong bentahan at pagbabalewala sa mga makasaysayang lugar?

Isa pa ang Plaza Lawton, na historical place ding maituturing, na kasalukuyang baboy na baboy na! Mistulang napakalaking parking lot, na ayon sa aking pipit na malupit ay pinagkakakitaan ng ilang opisyal ng barangay at ilang tulisang pulis-Maynila. ‘Ika nga, pera-pera lang ang usapin dito. Kung kaya’t, magkanong halaga at hindi matinag-tinag ang mga sasakyang nakaparada sa paligid ng Plaza Lawton?

Nawa’y paimbestigahan ang mga sangkot sa katiwaliang ito.

CHAIRMAN ARANGKADA
SA KATIWALIAN

Pinatawan ng suspensiyon si Barangay 781 Zone 85 District V Chairman Jayson B. San Juan, na ayon sa Ombudsman, “was suspended by the Office of the Ombudsman finding probable cause that PB Jason San Juan committed the Crime of, and should be indicted for, Perjury… finding guilty of less serious dishonesty and imposing upon the penalty of suspension.”

Pero ang ipinalit sa kanya ay isa pa umanong tiwali, si Barangay 781 Zone 85 District V Chairman Zenaida De Guzman, na ayon naman sa Commission On Audit report ay maraming katiwalian sa pondo ng barangay. Corrupt ‘ika nga ng aking pipit.

Kailan pa titino ang mga nasabing lingkod bayan kuno? Kailan ba ang tamang panahon nila para sa rehas na bakal?

Magmuni-muni kapag may time…

E-mail Add: [email protected]
Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI –  ni Johnny Balani

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Johnny Balani

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …