Tuesday , May 13 2025

Bebot minartilyo ng adik, mag-ina sinaksak

KRITIKAL ang kalaga-yan ng isang 4th year college student makaraan martilyohin ng isang lalaking lango sa droga habang sugatan ang isang janitress at kanyang 4-anyos anak na sinaksak ng suspek sa Navotas City kahapon ng madaling araw.

Nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang estudyanteng si Kim Xialen Villaseñor, 20, residente ng 314-B S. Roldan St., at ang mag-inang sina Romina dela Cruz, 30, at Angelo, 4-anyos, ng 340 S. Roldan St., Brgy. Tangos.

Sa imbestigasyon ni PO2 Paul Roma, dakong 1:40 am habang naglalaro ng gadget sa labas ng kanilang bahay si Villaseñor nang bigla siyang hatawin ng martilyo ng suspek.

Pagkaraan ay mabilis na tumakbo ang suspek sa loob ng bahay ng mag-inang Dela Cruz at kapwa sila sinaksak.

Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang tumakas na suspek.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

TINATAYANG 1.112 kilo ng imported na methamphetamine hydrochloride (shabu) na nagkakahalaga ng P7,561,000 ang nasabat …

liquor ban

33 katao sa central luzon dinakma sa liquor ban

HALOS 33 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na insidente sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, …

Bustos Bulacan

Nagpakilalang taga-media at Comelec
Headquarters ng kandidatong VM pinasok ng armadong kalalakihan 

NAHINTAKUTAN ang ilang residente na nasasakupan ng isang barangay matapos pasukin ng mga armadong kalalakihan …

Gerville Jinky Bitrics Luistro Noel Bitrics Luistro

Congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, former mayor Noel “Bitrics” Luistro magkasabay na bumoto

MAGKASABAY na nagtungo sina Batangas District 2 congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro at si …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *