Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ang masasabi natin sa HIV/AIDS awareness campaign ng DoH — Do it right, please!

DAPAT bang mamigay ng condom ang Department of Health (DOH) bilang bahagi ng HIV/AIDS awareness campaign?

Puwede.

Dapat bang mamigay ng condom ang DOH sa mga kabataang estudyante sa elementary at sa high school?

Hindi.

Bakit? Sapagkat ang pamamahagi ng condom (sponsored o binili man sa mababang halaga ng DOH) ay hindi mag-aangat sa kamalayan ng mga mamamayan lalo ng mga kabataan tungkol sa HIV/AIDS.

Kung gagamitin ng DOH ang condom bilang simbolismo ng safe sex para sa HIV/AIDS awareness campaign, doon sila mamigay sa KTV/clubs, sa mga gay bar, spa-kol, hotel/motel at iba pang lugar na kilalang parausan ng init ng katawan.

Sa pag-aaral daw kasi ng DOH, karamihan ng mga biktima ng HIV/AIDS ngayon ay nasa edad 17-anyos  hanggang 24-anyos. Mayroon din daw 15-anyos.

Kaya siguro inisip ng DOH, ipamigay ito sa mga eskuwelahan, dahil naroon ang mga kabataang nasa ganyang edad at sa loob pa ng mga paaralan.

Pero hindi ba naiisip ng DOH na maraming HIV/AIDS victim sa hanay ng yuppies?

Sa totoo lang, kung expensive magpagamot kapag infected na ng HIV or AIDS, expensive din ang mga activity o lugar kung saan puwedeng makuha ito.

120716-hiv-aids

Minsan nating nakahuntahan ang isang grupo ng young gay professionals na sila mismo ay nagbabantay at nagtutulungan para mailayo ang kanilang mga kabaro sa mga aktibidad na nagiging laganap ang hawaan ng HIV/AIDS.

Isa rito ang sobrang pagkahaling sa ‘gimik’ na pinagsasabay-sabay…expensive ‘yan!

Halimbawa, alak, droga (injectable), at sex with same sex, sex with infected partners both male and female.

Puwede rin pong makuha ang HIV/AIDS sa mga dental clinic na hindi malinis at sa gamit na karayom.

Ano ang gusto nating puntuhin dito?

Kung pagpapaliwanag sa mga kabataan tungkol sa HIV/AIDS ang gustong tumbukin ng DOH bakit hindi ito ang maging pangunahing laman ng Health & Science sa curriculum ng Department of Education (DepEd)?

Walang ibang paraan para makaiwas sa HIV/AIDS kung hindi ang pagkatuto at huwag maging ignorante.

Ang kamangmangan at ignoransiya ay hindi kayang lutasin ng pamamahagi ng condom sa mga kabataan.

Huwag sanang ‘ituring’ ng DOH na ang kamangmangan at ignoransiya ay puwedeng gawing negosyo sa pamamagitan ng sandamakmak na condom.

Kung nakuha man nang libre ng DOH ang mga condom na ‘yan o binili sa mas mababang halaga mayroon pa ring hindi tama sa aktibidad na ‘yan.

Wala sa elastikong condom ang katotohanan tungkol sa HIV/AIDS.

Please clear your minds, DOH officials!

CONGRATULATIONS
QCPD DIRECTOR,
GEN. GUILLERMO ELEAZAR!

080316 QCPD Eleazar

Binabati po natin si Quezon City Police District (QCPD) General Guillermo Eleazar dahil dumapo na ang unang estrella sa kanyang balikat — isa na siya ngayong full-pledged general.

Wala naman sigurong kumokontra lalo’t kitang-kita nila kung paano magtrabaho si DD Gen. Eleazar kaya very deserving siya for that promotion.

By the way, ipinag-utos na nga pala ni DD Gen. Eleazar na i-revise ang ipinadadala nilang sulat sa bawat kabahayan kaugnay ng  Oplan Taphang.

Ito po ang 2nd phase Oplan Tokhang. (“Tapok” na ang ibig sabihin ay “to gather” at “hangyo” na ibig sabihin ay humingi ng paumanhin o makiusap).

Marami kasing nagreklamo sa nasabing sulat na “tunog pananakot” sa komunidad.

Kaya naman para hindi na pagmulan ng ano pa mang isyu, nagdesisyon na si Gen. Eleazar na isaayos ang nasabing notice o pasabi sa komunidad.

Again, congratulations, Gen. Eleazar!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *