ZAMBOANGA CITY – Binawian ng buhay ang dalawang batang lalaki at dalawa ang sugatan makaraan sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa munisipyo ng Albarka sa lalawigan ng Basilan kamakalawa.
Base sa inilabas na ulat ng 104th Brigade ng Philippine Army sa Basilan, kinilala ang mga namatay na sina Hamodi Anali, 10, at si Alkodri Anali, 8-anyos.
Habang ang dalawang su-gatan ay sina Asalmodzri Anali, 15, at ang 5-anyos na si Albadal Anali, nilalapatan ng lunas sa ospital.
Ayon sa militar, naglalaro ang apat biktima nang makapulot sila ng isang bomba na pagkaraan ay biglang sumabog.