Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Nagbitiw ba o sinibak si VP Leni Robredo?

KUNG nag-resign sa Gabinete por delicadeza dapat noon pa niya ginawa.

Isa pa, dapat, hindi na rin niya tinanggap ang posisyon na inialok sa kanya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Gabinete, kung may delicadeza nga talaga siya.

Ang tinutukoy po natin dito ‘e si Vice President Leni Robredo.

Kamakalawa, nakatanggap kami ng advisory from our Malacañang reporter na hindi na nga raw pinadadalo sa Cabinet meeting si VP Robredo.

Ipinapa-check pa lang namin sa isa pa naming reporter kung natanggap ba ni Madam Leni ang pasabi ng Pangulo ‘e bigla nang pumutok sa social media na nag-resign na raw bilang chairperson ng HUDCC ang bise presidente.

Siyempre, as usual, marami na namang espekulasyon ang pumutok. Kanya-kanyang haka-haka at ‘hula’ kung ano ang totoong dahilan ng pagre-resign ni VP Leni.

Siyempre, naging busy ang phone natin kahapon dahil kanya-kanyang tawagan, sa wakas ay tumining din nang makatanggap tayo ng mga eksaktong rason kung bakit nag-resign si VP Leni.

In the first place, hindi naman pala siya terminated as HUDCC (Housing and Urban Development Coordinating Council) chairperson. Inutusan lang siya na huwag na dumalo sa Cabinet meeting.

070816 duterte robredo HUDCC

Ganito ang eksaktong text ni Cabinet Secretary Jun Evasco kay Madam VP: “Gd afternoon Madam Vice President. Mayor Duterte through Bong Go asked me to relay to you his instruction for you to desist from attending all Cabinet mtngs starting This Monday Dec. 5 2pm Ty.”

So klarong-klaro naman pala.

Hindi na siya pinadadalo sa Cabinet meeting pero hindi naman ibig sabihin na hindi na siya HUDCC chair.

May malaking dahilan siguro kaya ayaw na siyang padaluhin ni President Digong sa kanyang cabinet meeting.

Out of delicadeza, siguro, o dahil napahiya si Madam Leni, kailangan niyang magkaroon ng graceful exit, kaya siguro agad siyang naglabas ng press release na nag-resign siya as HUDCC chair.

Sa text message sa isang Malacañang reporter, sinabi ni CabSec Jun: “the reason is there are unreconcilable differences bet vp robredo and the admin headed by mayor Rodrigo roa duterte.”

Sinabi rin ni CabSec Evasco, “part iyon ng normal administration na if not support duterte then magresign…”

Sa tanong kung nakikita ba ng Palasyo na si VP leni ay may malaking bahagi sa oposisyon, tinugon ni CabSec, “Definitely, kc sya yung highest official of the opposition.”

Hindi naman siguro natin kailangan mag-readbetween the lines.

Malinaw naman siguro at klaro ang mensahe ni CabSec Jun.

In short, hindi cooperative at supportive si Madam Leni sa administrasyon ng ating Pangulong Duterte.

Hindi nga ba, laging kontra-pelo siya sa mga polisiya ni Duterte?

Kung patuloy na magiging tapat sa kanyang partidong Liberal Party si Madam Leni, iyon na siguro ang tama niyang gawin, mag-resign na lang.

Hindi siguro alam ni Madam Leni ‘yung minsang sinabi ni dating Pangulong Manuel L. Quezon: My loyalty to my party ends, where my loyalty to my country begins.

SENATOR LEILA DE LIMA
MAS MABUTING MAG-INHIBIT
NA LANG SA SENATE PROBE

110816-de-lima-supreme-court

Kahapon, para na namang nanood ng boksing ni Manny Pacquaio ang sambayanan…

Lahat ‘e nakatutok sa hearing sa Senado, ultimo mga taxi driver, naka-tune-in ang radio sa nagaganap na pagdinig.

Habang nanonood ang inyong lingkod, nakaramdam tayo ng awa para kay Senator Leila De Lima.

Naawa ako dahil ginawa niyang circus ang kanyang sarili. Propaganda ba ang habol niya? Simpatiya? Idepensa ang kanyang sarili?

Totoong puwede siyang makahamig ng simpatiya, pero ano ang magagawa ng simpatiya kapag sinampahan na siya ng kaso kaugnay ng akusasyon na siya ay nakinabang ng kuwarta bilang protektor sa operasyon ng ilegal na droga?

Lalo pa tayong nahabag nang makita natin ang ekspresyon ng mga pigil na tawa habang inuusig niya sina Kerwin Espinosa at Ronnie Dayan na kasinungalingan umano ang kanilang mga inihayag sa Kamara.

E hindi nga siya makatingin nang eye-to-eye kay lover boy Dayan, laging kay Kerwin lang siya nakatingin. Panay tuloy ang “making faces” ni Papa love Ronnie.

Hindi man lang ba naisip ng matalinong Senadora na siya ay nagmumukhang katawa-tawa?!

Mas maigi pa sigurong nag-inhibit na lang si Senator De Lima para hindi naman nagmukhang self-serving ang pang-uusig niya kina Kerwin at Ronnie.

Hintayin na lang niyang sampahan siya ng kaso  para sa korte niya idepensa at ipagtanggol ang kanyang sarili lalo’t sinasabi niyang pawang kasinungalingan ang sinasabi nina Kerwin at Ronnie.

‘Yan ay kung may matibay rin siyang ebidensiya para pabulaanan ang lahat ng akusasyon laban sa kanya?!

In the meantime, protect yourself, Sen. De Lima!

MTPB SINIBAK KAHIT
WALA PANG SAHOD?!

MAGANDANG araw Boss Jerry, paki-BULABOG naman po ang pamunuan ni Manila Mayor Erap upang ibigay na ang sahod naming mga J.O. ng city hall. 4k na hinati pa hanggang sa naging nganga kami Sir. Lalong kawawa ang matitino at masisipag na MTPB enforcer na nadamay lamang sa mga tirador na MTPB. Porke nagamit na nila ang mga tao at napaboto ‘e basta na lang sisibakin. Sana mga KOLEKTOR ng MTPB ang unang sinibak nila.

[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *