SA isang interview sinabi ni Vice Ganda na masuwerte ang batang si Awra (Mcneal Briguela) dahil sa murang edad ay nai-express na nito ang sarili, naipakikita na kung sino talaga siya.
“Ako hindi. Ang drama ko lang bahay, eskuwelahan. At hindi ako nag-i-split noong bata pa ako. Nakaiinggit nga si Awra,” sabi ni Vice nang mag-guest siya sa MOR.
Samantala, nag first day showing na noong November 30 ang pelikula ni Vice na Super Parental Guardians na dapat ay entry sa Metro Manila Film Festival pero hindi ito napasama sa Magic 8. Blessings in disguise na rin dahil sa unang araw ng showing nito’y napakahaba ng pila sa mga sinehan.
“Parang filmfest sa rami ng taong nanood. Naku, ewan ko lang kung may pelikula na kasali sa MMFF na ganito kahaba ang pila,” sabi ng kapitbahay kong si Wilma na isa sa mga unang pumila sa first day ng showing ng SPG.
Matatandaang last year, may intriga na kaya nag-number one ang movie ni Vice ay dahil nagkaroon ng ticket swapping/switching over Vic Sotto’s entry pero ngayon mapatutunayan na talagang Unkabogable Star si Vice dahil kasabay din niya ang movie ni Vic. Sad to say, malayo ang agwat ng kinita sa pelikula ni Vice kaysa kay Vic.
Well, maganda na ring ‘di napasali sa MMFF ang movie na ito ni Vice. Nalaman kasi natin na mapa-MMFF man o mapa-regular showing, talagang pinipilahan ang ang isang Vice Ganda.
Ayon sa Star Cinema, nakagawa ng history ang SPG nina Vice at Coco Martin. According to them, ang pelikulang ito ang kumita ng napakalaki sa unang araw pa lang, breaking existing records.
Immaterial na rin kung sino man ang direktor nito, basta si Vice talaga ang ipinunta ng mga tao.
Congratulations kay Vice, kay Coco at sa lahat ng cast
.
MAKATAS – Timmy Basil