GUMAGANDA ang takbo ng Bureau of Customs dahil nawawala na ang korupsiyon.
‘Yan ay dahil sa ginagawang paghihigpit ni Commissioner Faeldon kaya takot nang gumawa ng kalokohan ang mga negosyante na nakikipagsabwatan sa ilang mga tiwaling empleyado.
Mahusay ngayon ang pamamalakad ni Comm. Nick at sana magtuloy-tuloy pa ang magandang hangarin niya sa Aduana para lalong luminis ang imahe ng BOC.
Marami ang bilib sa kanyang kakayahan kaya marami ang sumusuporta sa kanya para tuluyang mawala ang smuggling sa buong bansa.
At sabi ng aking mga kaibigan, kakaiba ang estilo ng pagbabago sa BOC at effective po ang inyong programa.
Kaya marami ang hanga sa iyong empleyado at nakikita naman ang iyong sipag at tiyaga upang lalong malinis ang pantalan.
Mabuhay ka Commissioner Faeldon!
***
Nakaraang linggo may nahuli ang NAIA customs na isang Russian national. May dalang high grade cocaine na itinago sa kanyang jacket at luggage.
Hindi sila makalulusot sa magagaling na Customs enforcer sa Aduana kagaya ng CAIDTF.
Mahusay rin ang pamumuno ni Coll. Ed Macabeo sa NAIA Customs at talagang nagtatrabaho siyang maigi upang lalong gumanda ang takbo ng NAIA.
***
Kagaya rin ni Depcom. Ariel Nepomuceno, isa sa mga asset sa Aduana at walang sasantohin kahit sino, lalo kapag mali ang ginagawa ng mga negosyante.
Nakasuporta sila kay Commissioner Faeldon sa lahat ng mandato niya kaya hanga tayo sa samahan nila sa BOC.
Nagtutulong-tulong lalo ang collectors para maayos ang koleksiyon ng Customs.
Mabuhay po kayong lahat!
***
Papalapit na ang Pasko pero marami pa ang dapat ayusin ng Pangulong Duterte sa bansa.
‘Di matatawaran ang kanyang ginagawa sa bayan kaya naman lalong nagpupursige ang magaling na NBI Director Atty. Dante Gierran na matulungan ang Pangulo sa lahat ng programa niya lalo sa pagsugpo ng droga, korupsiyon at lahat ng klase ng krimen.
Kaya napakaganda ng imahe ng NBI ngayon dahil sa tulad ni Director Gierran na ang ginagawa ay para sa bayan.
Keep up the good work Director Gierran.
****
Maganda ang resulta ng ginanap na 26th CCBI National Assembly at talagang nagtulong-tulong sila sa pangunguna ng president na si Dr. Dennis Del Pilar at Flor Tagle na chairwoman ng programa at ng buong board of directors ng CCBI. Mahusay ang kanilang liderato.
Marami pang dumalo mula sa iba’t ibang lugar kagaya sa Cebu at Davao.
Congrats sa inyong lahat na license broker!
Keep up the good work at alam natin na maganda ang layunin ninyo para lalong matulungan ang Bureau of Customs upang lalong gumanda ang imahe nito.
Mabuhay kayo!
PAREHAS – Jimmy Salgado