Abolisyon ng airport terminal fee sa OFWs isinusulong na ni MIAA GM Ed Monreal
Jerry Yap
December 2, 2016
Opinion
KAPAG gusto maraming paraan, kapag ayaw puro alibi at boladas.
Ganyan po sa nakaraang administrasyon sa MIAA.
‘Yan ang masasabi natin, matapos natin mabatid kahapon na tinatrabaho na ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal ang abolisyon ng ipinapataw na airport terminal fee sa overseas Filipino workers (OFWs).
Ipatutupad na ito simula Marso 2017. Halos tatlong buwan na lang po ‘yan.
Sinabi mismo ni GM Monreal nakausap na niya ang mga kinatawan ng international airlines para maipatupad na ito sa Marso 2017.
Sa kasalukuyan ay binabalangkas ng magkabilang panig ang “memorandum of agreement” upang maisapinal na ang pagpapatupad nito.
Kaya sa mga kababayan nating OFW, pansamantala ay kailangan muna ninyong pumila sa airport terminal upang makakuha ng refund.
Isa ito sa tunay na serbisyo ng kasalukuyang administrasyon para sa mga OFW na walang sawa sa pagpapadala ng kanilang dollar remittances na nakatutulong nang malaki sa pag-ikot ng ating ekonomiyang hindi lang nakasandal kundi nakasuso na nang husto sa dolyar.
Hindi gaya sa dating administrasyon ng dating airport manager na si Bondat ‘este’ Bodet Honrado na talagang iginiit at ipinilit na patawan ng P550 terminal fee ang mga OFW na nag-aakyat ng dolyares sa ating bansa.
Sa halip na alalayan para maging maginhawa ang mga kababayan natin ay pinahihirapan pa!
‘Yan ang tunay na pagbabago hindi panggagago!
DEATH PENALTY
UMARANGKADA NA
SA KAMARA
Umaariba na ang panukalang pagbabalik ng capital punishment sa Kamara de Representantes.
‘Yan ay matapos aprubahan ng subpanel ang panukalang batas nitong Martes.
Kung hindi tayo nagkakamali halos 10 taon na ang nakalilipas nang i-abolish ang death penalty pero nagkaroon ng clamor na muli itong ibalik dahil sa malalalang kriminalidad.
Kaya sa ilalim ng panukalang batas, iminumungkahi na ang mga krimen na treason, piracy, qualified bribery, parricide, murder, infanticide, rape, kidnapping & illegal detention, robbery with violence, destructive arson, plunder, drug-related crimes at carnapping ay may kaparusahan na kamatayan na maaaring sa pamamagitan ng bitay, firing squad o lethal injection.
Ang anim na congressman na bumoto sa reimposition ay sina deputy speakers Rep. Fredenil Castro (Capiz, 2nd District), at Rep. Sharon Garin (AAMBIS-OWA party-list) at sina representatives Robert Ace Barbers (Surigao del Norte, 2nd District), Arturo Defensor Jr. (Iloilo, 3rd District), Alfredo Garbin Jr. (Ako Bicol party-list), at Aurelio Gonzales Jr. (Pampanga, 3rd District).
Mayroon din limang mambabatas na bumoto para sa version ng proposal na naglilimita sa death penalty sa drug-related crimes.
Sila ay sina Deputy Speaker Representatives Eric Singson (Ilocos Sur, 2nd District), Luis Campos (Makati, 2nd District), Eugene De Vera (ABS Party-list), Roger Mercado, (Southern Leyte), at Victoria Noel (An Waray Party-list).
Ganoon din sina Representatives Lawrence Fortun (Agusan del Norte, 1st District) at Ramon Rocamora (Siquijor).
Kung hindi tayo nagkakamali, pagkatapos ng hearing, ito ay isusumite sa mother committee.
Kapag naaprubahan, ito ay iaakyat na sa plenary para sa debate.
Umaasa si House Speaker Pantaleon Alvarez, co-author ng surviving bill, mailalatag ito sa plenary bago mag-Christmas break ang Senado. At inaasahang maipapasa sa Agosto.
Kung hindi masyadong aangal ang mga pro-life advocates, malamang na mapapadali ang pagpapasa nito.
Asahan ang lalo pang pag-iingay at pangangalampag ng mga tinatawag na human rights activists.
SINO ANG MAPALAD
NA BABASBASAN NI SOJ
VIT AGUIRRE PARA
MAGING BI INTEL CHIEF?
Sa darating na hiring and promotion, ang position ng Intelligence Officer V ang isang mariing tinututukan at pinakaaabangan ng lahat sa Bureau of Immigration (BI).
Marami na raw ang nasasabik at kumbaga sa wrestling, free for all ang magiging labanan ng mga magkatutunggali na sina Acting Intel Chief, Charles Calima, Legal Officers Norman Tansingco, Sherwin Pascua, Carlos Capulong at pati na rin ang former BI Associate Commissioner na si Gilbert Repizo.
Si General Calima ay minamanok ni BI-Commissioner Bong Morente. Si Gilbert Repizo ay ‘back-up” ni Cong. Umali (house justice committee chairman) na bagyo rin sa kasalukuyang administrasyon. Si Atty. Pascua ay sanggang-dikit at brod sa fraternity ni SOJ Vitaliano Aguirre.
Samantala, si Atty. Tansingco naman ay alam naman ng lahat na tuta ‘este ‘BFF’ ni expelled ‘este ex-commissioner Fraud ehek Fred Mison.
Hindi lang natin alam kung sino ang padrino ni Atty. Carlos Capulong.
Lahat sila ay umaasa na maging hepe ng isa sa pinakabonggang posisyon sa Bureau at naghihintay rin kung sino ang bibigyan ng basbas ng kasalukuyang DOJ secretary.
Pero ano itong narinig natin na may nakahanda raw agad ‘apela’ sa Civil Service Commission ang ilan diyan once na makuha ninoman kina Calima at Pascua ang nasabing posisyon?
Agad daw kukuwestiyonin ang qualifications or credentials nila para pamunuan ang BI intel division?
Grabe naman ang balitang ito?!
Well, ito lang ang masasabi natin.
Para sa atin, lahat ng mga nabanggit na personalidad ay pawang professionals at ang pagiging Intel chief naman ay hindi kinakailangan ng masusing training or expertise ‘di gaya ng mga nasa NBI or any government law enforcement agencies.
Since ang nagpaplano ng appeal ay pawang aplikante o kandidato rin ‘ata. Sana naman ay be gentleman enough ang bawat para tanggapin ang pagkatalo.
May the best man wins sabi nga!
Weder-weder nga ‘di ba?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap