Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sino ang bagyong ‘ninong’ ni Supt. Marvin Marcos na nag-utos kay Gen. Bato para ibalik sa PNP-CIDG 8?

INIUUGOY tayo sa ‘teleserye’ ng imbestigasyon sa Senado kaugnay ng paspaslang kay Albuerra mayor Rolando Espinosa Sr., ang tatay ng sinasabing drug lord na si Rolando “Kerwin” Espinosa Jr.

Sa isang press conference na ginanap sa Quezon City Police District (QCPD) headquarters, ibinunyag ni PNP chief, Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa, isang mataas na opisyal ng gobyerno ang tumawag at nag-utos sa kanya para ibalik si Supt. Marvin Marcos sa CIDG Region 8 mula sa CIDG Region 9.

Naganap ‘yan bago ang kontorbersiyal na pagkakapaslang kay Mayor Espinosa sa Baybay jail sa Baybay, Leyte.

Ibinunyag kaya ito ni Gen. Bato dahil ang ibig sabihin, kung pinangatawanan niya na huwag ibalik sa CIDG Region 8 si Kernel Marcos ay hindi magaganap ang kontrobersiyal na pamamaslang sa tatay na Espinosa?

Si Mayor Espinosa ay itinuturing na ‘malaking tertimonya’ para maugat ang operasyon ng narco-politics sa bansa na kung saan-saan na ito nagsanga at kung sino-sinong politiko na ang nakikinabang.

120116-bato-marcos-blind-item

Pero pinaslang nga siya ng yunit ni CIDG Region 8 chief, Supt. Marcos habang nakakulong sa Baybay jail.

Ang tanong ngayon, sino ba ‘yang nag-utos kay Gen. Bato na ibalik sa Region 8 si Marcos?

Sino bang taga-itaas ‘yan?

Taga-2nd floor ba ‘yan? Taga-3rd floor o baka naman skyscraper ‘yang taas na ‘yan?!

Mataas as in matangkad ba ‘yan!?

Sa Lunes, uupo si Gen. Bato sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado.

Dito kaya isiwalat ni Gen. Bato kung sino ‘yang taga-itaas na ‘yan?!

Karapatan ng taongbayan na humahanga kay Gen. Bato na malaman kung sino ba ‘’yang ‘call a friend’ ni Kernel Marcos!

Mga suki, abangan po natin at tutukan kung ano ang magaganap sa Lunes sa ‘teleserye’ ng sambayanan.

P.2-M SUHOL BAWAT ISA SA 1,316
CHINESE NA NAHULI SA FONTANA
LEISURE PARK & CASINO NI JACK LAM
IBINUNYAG NI JUSTICE SEC.VIT AGUIRRE

120116-aguirre-money

Ayon mismo kay Juctice Secretary Vit Aguirre, mayroong nag-aalok ng P.2 milyon o P200,000 pataas bawat isang Chinese na nahuli sa Fontana Leisure Park & Casino, Clark Freeport, Pampanga.

Umabot sa 1,316 Chinese nationals ang nahuli riyan sa Fontana na may operation ang casino mogul na si Jacl Lam.

Ibig sabihin hindi kukulangin sa P263,200,000 milyones ang ihahatag, para mapalaya ‘yang 1,316 Chinese nationals na ‘yan.

‘E kung totoo ‘yang panunuhol na ‘yan, bakit naman kaya pinakawalan pa ni Secretary Aguirre?!

Bakit hindi niya agad ipinahuli sa National Bureau of Investigation (NBI)?!

Wala bang balak si Secretary Aguirre na sampolan ‘yang mga tsekwang ‘yan?

Hindi kaya naisip ni Secretary Vit na baka naglalaba na ng kuwarta ‘yang mga ‘yan mula sa ilegal na droga?!

Sana nilubos na ni Secretary Vit.

Sinudsod na sana niya ‘yang mga Chinese handler ‘manunuhol’ na ‘yan. Nang sa gayon ay ‘naitumba’ na rin niya ang sindikato ng human trafficker.

Secretary Vit, upakan mo na ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …