Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

DOTr, airport authorities magpapatupad nang mahigpit na traffic safety measures ngayong holiday season

DAHIL inaasahan ang mabigat na bilang ng mga pasahero ngayong Christmas season, naglatag ang airport officials sa ilalim ng  Department of Transportation (DOTr) ng ilang sistema para masiguro ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasahero sa buong bansa.

Sa press conference na ginawa sa Manila International Airport Authority (MIAA), binigyan diin ng mga awtoridad na ang slot management system ay ipatutupad upang matiyak na ang mga eroplano ay makaalis sa takdang oras.

Ang nasabing sistema ay nakatulong sa on-time performance (OTP) ng airlines, at epektibong nabawasan ang flight delays.

Sa Record ang OTP ng airlines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nag-improved ito mula 47% hanggang 71% simula nang manungkulan ang bagong administrasyon.

Para naman mapahusay ang trapiko patungo at mula sa NAIA, sinabi ni MIAA GM Ed Monreal, nakikipag-ugnayan na sila sa Villamor Airbase upang payagang makaraan sa loob ang mga pasahero para lumuwag ang trapiko lalo sa Andrews Avenue.

Pinag-uusapan na ngayon ang isyu ng seguridad.

Ipinatutupad sa kasalukuyan ang two-minute waiting time sa mga susundo ng pasahero sa airport. Umapela si GM Monreal sa publiko na makipagtulungan at tigilan ang nakaugaliang tila parking area ang arrival gates.

“Kailangan po talaga magtulungan tayo rito,” ani Monreal.

Umaasa ang MIAA na ang kahabaan ng NAIA Expressway mula Terminal 3 ay magbubukas sa Disyembre.

Iniulat ni Capt. Jim Sydiongco, Director General ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), na ang Legazpi, Butuan, Dumaguete, at Caticlan airports ay bukas na rin sa gabi.

Susunod rito ang Roxas airport bago ang araw ng Pasko. Kung mayroong night landing capabilities, tuloy-tuloy ang operasyon ng airports hanggang gabi.

Sa usapin ng kaligtasan at seguridad ng mga pasahero, magtatalaga ang MIAA ng karagdagang 97 security personnel sa NAIA. Nakahanda rin ang PNP na magdagdag ng airport’s security force kung kinakailangan.

Samantala, umabot na sa siyam na suspek ng ‘salisi’ sa NAIA ang iniharap sa media upang ipakita na seryoso ang awtoridad na ipatupad ang mahigpit na seguridad para sa mga pasahero.

Mula Enero nitong taon, umabot sa 57 ‘salisi’ incidents ang iniulat, 20 rito ay nadakip.

Nagbabala si Monreal sa airport personnel na huwag manghingi ng regalo o pabor sa mga pasahero ngayong Pasko.

“I have no problem with personnel greeting passengers a ‘Merry Christmas,’ as long as there is no intention to ask for gifts,” ani Monreal.

Sa mga mapapatunayang naghingi ng regalo, sinabi niyang, “Kapag may nanghingi ng regalo, hindi na ‘yan aabot ng Pasko. Definitely may disciplinary action.”

Kaya sa mga kababayan natin na dumarating at umaalis ngayong Christmas season, kung makikipagtulungan sa MIAA, sa mga pasahero rin ang ginhawa.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *