NAGTATAWANAN sila, Ang tanong kasi ay mas marami raw kayang manonood ng pelikulang ginawa ng isang baguhang male star kaysa nanood ng kumakalat niyang sex scandal sa internet ngayon?
Iyon daw kasing sex video niya, kung ilang libong views na ang nakalagay, eh kung wala nga namang manood ng kanyang pelikulang indie kundi pito, na siya namang karaniwan sa mga indie, lalabas na mas sumikat pa siya sa kanyang ginawang sex video.
Mukhang mas marami ring publisidad ang kanyang sex video kaysa ginawa niyang indie. ( Ed de Leon )