Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

P325-M tourism budget para sa promotion ng bansa hindi ba sobrang laki naman?

HINDI natin matindihan kung bakit napaglaanan ng P325 milyones budget ang Department of Tourism (DoT) para umano sa promosyon ng Filipinas bilang tourist destination.

Ito yata ‘yung pagpapatuloy ng “It’s more fun in the Philippines” tourism campaign.

Ito raw ang naaprubahan mula sa inihain na proposal ng  DOT-attached agency na Tourism Promotions Board (TPB) na originally ay naghain ng P523.18 milyong budget para sa 2017. Mataas ito ng 10 percent sa P475.62 milyon nitong 2016.

Nabawasan pa pala ‘yung lagay na ‘yun?!

Mukhang mas malaki pa ang gagastusin ng DoT-TPB para sa promosyon na ito kaysa kikitain?!

Mantakin naman ninyo P325 milyones?!

E kung tutuusin, ‘yang halaga na ‘yan ay malaking budget na para makapag-develop ng isang industriya na magbibigay ng trabaho sa mga kababayan nating walang trabaho.

Sa ganang atin, dapat itong pag-aralang mabuti ng budget committee.

Alam nating ang turismo sa bansa ay hindi kayang kumita gaya ng kinikita ng mga tourist destination sa ibang bansa.

041116 money peso

Gaano lang ba ang ginagastos ng mga tourist na nagpupunta sa ating bansa lalo na ‘yung mga Amerikano at Europeans na ang gusto sa ating bansa ay beaches.

Gaya ngayon, narito sila sa bansa dahil malamig at nagyeyelo sa kanila. Kaya gusto nila sa Filipinas dahil hindi nagyeyelo rito.

‘Yun lang, mamamasyal sila, kakain pero hindi magsa-shopping.

Ibig sabihin, ang mag-aakyat ng malaking kuwarta sa turismo ‘e yung kung dito sila magsa-shopping.

Gaya ng ginagawa ng mga Filipino at iba pang Asians at turista kapag nasa Hong Kong, Macau, Singapore or kahit sa Europe at USA.

Kaya kung titimbangin ang gastos at kita, mukhang lugi pa tayo.

Sino ba talaga ang kikita diyan sa budget na ‘yan ng DoT?

Aba ‘e pakibusisi lang po sana bago pakawalan ‘yang budget na ‘yan!

Saan ang tamang babaan at sakayan?

LEGAL BA TERMINAL
SA MERALCO SM BACOOR?

GANDANG umaga po. Tanong ko lng po kung legal po ba ang terminal dyan sa Meralco Bacoor sa SM Bacoor. Kc po nakasakay kami s jeep kahapon hinuli po ung driver ng jeep na sinasakyan namin at pinababa mga pasahero tapos po un mga illegal terminal dyan s lugar na un hndi hinuhuli. Kawawa nman po ung driver ang laki ng tubos 700. At bawal mangatwiran kay mamang enforcer e kaya lang xa nagbaba kc nagagalit po mga bababa pasahero. Sana po masagot po tanong ko. Para malaman po namin san po ba talaga tamang sakayan at babaan.

+639397861 – – – –

PONTEVEDRA CAPIZ NANANAWAGAN
NG TULONG KAY PRES. DUTERTE

GOOD am Sir Jerry, tulungan u naman po kami ipaabot kay PDU30 na ang ibang Yolanda victims sa Pontevedra, Capiz at katabing bayan ay may mga tao pang hindi binigyan ng cash tulong at ang dapat na sa isang taong makukuha e hinati na lang nila sa dalawang tao. Ang tanong po saan napunta ang ibang pera? Pakitago na lang po # ko. Salamat.

+63946057 – – – –

WARNING SA PNP NA SANGKOT
SA SINDIKATO NG DROGA

GOOD eve po, un po cnasabi ni Pres. Digong mahirap pumasok sa sindikato droga, sampol ‘yan c Espinosa. Sila2x n lang ang magpatayan makaiwas lang madawit, paano po manlaban ang taong nakakulong? Sinadya ‘yan na patayin. Kau mga nasa loob o active sa PNP n miyembro ng sindikato malapit n rin ang araw nyo.

+63950214 – – – –

MASAMANG KARANASAN
SA MPD-TEU

MAY sumbong sa Manila Traffic Bureau. Nakaaksidente ako ng kotse, nagsetel kami tapos na ‘yun kaya umalis na ang may-ari ng kotse. Ako na lang ang isa sa opisina nong imbestigador, tapos nun sabi niya, gus2 ma ba ito? Ipinakta nya sakin ang stub ng T.O.P. sabi ko sir, wala n ko pera, tapos dun itinapon nya ang lisensiya ko, buti na lang nasalo ko agad. Para sa ‘kin napakabastos nya. Sya kaya ang nasa katayuan ko? Ganonin ko sya syempre magreak sya. Kaya sayang ang mga kinakaltas ko sa buwis para sa kanila. Sa Manila Police na opicna sa may pier banda. Un lng po ang naranasan ko sa ahensiya ng gobyerno.

+639072333 – – – –

TAKSIL SA BAYAN

HINDI sapat para kay Leila De Lima ang mumurahin cya ng pangulo! Ang mabuti sa kanya ay parusahan ng death penalty, pwde cya ipa-firing squad, pwede rin cyang pugutan ng ulo dahil sa ginawa nyang pag protekta sa droga sa Bilibid. Maraming buhay nasira, biktima ng rape, pagpatay, pagnanakaw at iba dahil sa droga. hndi ba nagtaksil cya sa bayan?

+639078822 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *