Tuluyan na raw umaksiyon si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente kasama ang Chief ng BI Ports Operations Division na si Marc Red Mariñas para kastigohin ang apat na immigration officers na sina Niño Oliver Dato, Xander Mark Galera, Kyle Velasco at Alperson Peralta.
Agad silang ini-relieved sa pagiging immigration inspectors matapos umanong mahuli na nagpapalusot ng pasaherong overseas Filipino workers (OFWs) patungo o planong tumalon sa highly restricted countries gaya ng Lebanon, Libya, Korea at marami pang iba.
Naging habit na raw ng nasabing primary inspectors na paraanin sa kanilang immigration counters ang kanilang kliyenteng OFWs kahit wala o salat sa dokumento gaya ng Overseas Employment Contract (OEC) na magpapatunay na legal ang paglabas nila ng bansa.
Sabay-sabay silang itinapon sa mga border crossing stations papuntang Taganak, Batuganding, Tibanban at Balabac kasabay ang pagharap sa mga administrative cases sa BI Board of Discipline.
Kung mamalasin pa ay may kasama pang asunto ng human trafficking na posibleng isampa ng IACAT laban sa kanila!
Magandang sampol ito sa lahat ng immigration officers.
Nawa’y magsilbing aral sa mga patuloy pang susuway at magtatangkang magpalusot para lang kumita sa hindi malinis na paraan!
Pinatunayan din ni Commissioner Morente at ni POD Chief Red na hindi nila palalampasin ang ganitong klaseng aktibidad na lihis sa gustong pagbabago ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Para kina BI Commissioner Bong Morente at POD Chief Red Mariñas, kasangga n’yo kami pagdating sa bagay na ito!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap