Friday , November 15 2024

Tama na tuldukan na

TUNAY na isang malaking dagok mga ‘igan, para sa mga taong wala umanong pusong –mapagpatawad, ang paghahatid kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa kanyang huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani.

Nagulantang na may kasamang pagkadesmaya ang mga tutol sa paglilibing.

Hehehe…Marahil ay napurnada umano ang mga pinaplano o nakaplano nang malatele–seryeng panggugulo o pambababoy na magaganap sana sa libing ni Macoy sa Libingan ng mga Bayani.

Ngunit, magpahanggang ngayon mga ‘igan, marami pa rin ang umaalma sa naganap na maayos na libing ni Macoy, na may kasama pang seremonya at parangal para sa isang naging sundalo at pangulo ng Filipinas!

Hanggang dumating sa puntong, hukayin ang labi ni Macoy, ang isinisigaw ng mga galit na galit sa pamilya Marcos. Sadya nga bang matigas na o tigasin na ang mga Pinoy sa ganitong pagkakataon? Patay na’y hindi pa mapatawad? Malaki pa rin ang paniniwalang, ang mga Filipino’y may pusong-mamon at likas na mapagpatawad. Huwag lang sawsawan ng mala-demonyong politiko.

Ano’t may mga lider tayo, sampu ng mga lider–simbahan, ang siya pang pasimuno sa pagkakawatak-watak ng taongbayan? Mabigat bang talaga para sa mga nasabing lider ang magpatawad dahil umano sa pansarili nilang interest? Hindi ba’t, ang pamunuan pa, upang hukayin ang labi ni Macoy sa Libingan ng mga Bayani ay isang kahayupan? Mahirap kalabanin ang patay na! Kayo rin he he he…

Mga ‘igan, bagama’t may masasamang nangyari at ginawa umano si Macoy noong kanyang kapanahunan, may magaganda rin namang nangyari at ginawa ang dating pangulo. Kung ating babalikan, minsang naging payapa rin ang bansa sa mga unang termino ni Macoy. At sa totoo lang mga ‘igan, nasaksihan din naman natin kung paanong lumago ang ekonomiya ng bansa.

Nawa’y huwag din kalimutan ang magagandang gawa ng Mama. Pero, sadya nga bang mahirap din balikan at tingnan ang magagandang ginawa ng isang taong gaya niya? Walang perpekto. ‘Ika nga, tao lang na minsa’y nagkakamali… Let’s move on na… time is gold ‘ika nga. Marami pang dapat na pag-usapan at dapat na gawin. Atin nang tuldukan ang usaping Marcos burial, bagkus, harapin natin ang kasalukuyan at ang kinabukasan. Kung kinakailangan, sama-sama nating ituwid ang dapat ituwid na minsan nang naging baluktot.

Do the right things and do things right. Now na!

DENR ARANGKADA
SA PROGRAMA

TODO-ARANGKADA mga ‘igan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa kanilang mga proyekto at programang pangkapaligiran at pangkalikasan. Pinangunahan nina DENR–National Capital Region (NCR) Assistant Regional Director for Technical Services Sofio B. Quintana, Ph.D. CESO IV at DENR–Environmental Management Bureau (EMB) Regional Director Vizminda A. Osorio ang kanilang proyekto at programa para sa kapakinabangan at kaligtasan ng mamamayang Filipino. Naging katuwang din ng DENR ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC), sa pangunguna ni PRRC OIC Executive Director Merliza S. Bonga.

Una nang isinagawa ng DENR-EMB-NCR ang Clean–Up Activity sa mga Adopted Estero-Water Body, sa iba’t ibang barangay partikular sa Maynila. Inaasahan ang aktibong partisipasyon ng mga punong barangay (PB) upang maging matagumpay ang pagpapatupad ng mga proyekto at programa. Nakiisa rito sina PB. 175 Fernando R. Lopez at PB. 176 Gilbert Sugay ng Estero De Sunog Apog. Nakipagtulungan din sina PB. 223 Carmen S. De Jesus at PB. 219 Patrick S. Ang. At hindi rin matatawaran at pahuhuli ang Clean and Beautification Project nitong si Mabuhay Homes 2000 Homeowner Association President at Barangay Kagawad Hima L. Acosta sa kanyang nasasakupang Barangay Salawag. Maging susi at daan nawa kayo tungo sa isang malinis, maayos, payapa at ligtas na pamumuhay ng sambayanang Filipino. Good Luck!

More projects and programs to come…

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI
ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *