Friday , December 1 2023

SPEEd, nagdiwang ng unang anibersaryo sa Bahay at Yaman ni San Martin de Porres

NAGING makabuluhan ang pagdiriwang ng ika-unang anibersaryo ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) dahil dinalaw ng grupo ang Bahay at Yaman ni San Martin de Porres sa Bustos, Bulacan noong ika-lima ng Nobyembre.

Ang bahay ampunan ay kumakalinga ng mahigit sa 150 kabataan.

Pinangunahan ni SPEEd President Isah Red, (editor ng The Standard), ang pagdadala ng kaligayahan sa mga kabataang residente na ang edad ay pito hanggang 18.

Dala-dala ng grupo ang mga donasyon tulad ng mga damit, tsinelas, libro, laruan, toiletries, gamot, pagkain, at maiinom.

Sina SPEEd secretary Ian Farinas (ng People’s Tonight) at assistant secretary Gie Trillana (ng Malaya Business Insight) ang nag-coordinate sa surrogate mother at volunteer co-worker na si Myrna del Rosario para matuloy ang event.

Sa tulong ng program coordinator na si Noel Vincent Ordiales, sina SPEEd members Dondon Sermino ng Abante at Rohn Romulo ng People’s Balita ang nag-host ng mga palaro.

Ang mga papremyo ay mula sa donasyon ng GMA Network Communications sa pamamagitan ni Angel Javier (candy bags at balloons), Liwayway Marketing Corp. sa pamamagitan nina Kacie Gotamco at Annie Ringor (Bread Pan at  Choco Chugs), at Dr. Eric at Vina Yapjuangco ng Icon Clinic mula kay Chuck Gomez (toiletry kits).

112416-speed-2
Tumulong din sina Jerry Olea ng Abante Tonight, Ervin Santiago ng Bandera, Janice Navida ng Bulgar (na nag-bake ng brownies para sa event), Eugene Asis ng People’s Journal, Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon/Pang-Masa, Tessa Arriola ng The Manila Times, Dinah Ventura ng Daily Tribune, at ang inyong lingkod para tumulong sa games at gift-giving. Sumama rin sa grupo sina Chuck Gomez at Sonny Espiritu bilang official photographer.

Nakadagdag kasiyahan sa pagsasamang iyon ang photo booth at face-painting mula sa ABS-CBN Corporate Communications group led by Kane Choa.

Nagbigay naman ang San Miguel Corporation sa pamamagitan ni Jon Hernandez ng kahon-kahong Magnolia mineral water na pamatid-uhaw ng mga bata, habang ang Unilab for Ritemed (sa pamamagitan ni Claire Papa at Butch Raquel), ay nagbigay ng boxes of vitamin C and paracetamol.

Ang Bahay at Yaman ay nasa loob ng isang compound na matatagpuan ang charity school arm ng Angelicum.

Simula 2003, ang mga kabataang mula Prep hanggang High School ay nakatatanggap na edukasyon sa loob ng bakuran, na matatagpuan din ang isang kaakit-akit na kapilya.

Ayon sa volunteer co-worker na si Adora Briones, para sa mga interesadong magbigay ng kanilang blessings lalo na ngayong Pasko, puwedeng mag-donate ng bath soap, shampoo, toothpaste, toothbrush, alcohol, laundry soap or detergent, condiments (cooking oil, soy sauce, vinegar, fish sauce, etc.), clothes, slippers and books.

Puwedeng tawagan si Noel Ordiales sa 09212579375 o mag-log sa kanilang website www.stmartinproject.org.

About hataw tabloid

Check Also

Angelica Cervantes

Angelica Cervantes umamin tatlong taon ng may karelasyong babae

RATED Rni Rommel Gonzales IBA na ang panahon ngayon. Kung noon ay ang kabadingan lamang …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo parang isang buong flower shop ang ipinadala sa CEO ng Beautederm

RATED Rni Rommel Gonzales AMINADO si Bea Alonzo na unexpected ang pagkakabati nila ni Manay Lolit Solis sa birthday …

Jane de Leon Janella Salvador

Jane at Janella  aprub sa lesbian movie/ girl’s love series

MA at PAni Rommel Placente SA isang panayam kay Jane de Leon, inamin niya na nasa …

Lolit Solis Andrea Brillantes

Lolit Solis kay Andrea: pinaka-promising youngstar ngayon kaya crush ng bayan

MA at PAni Rommel Placente NAAAWA ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis kay Andrea Brillantes dahil sa …

Andrea Brillantes ine-enjoy ang walang ka-loveteam

Andrea kaliwa’t kanan ang endorsements kahit nega

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoo ang nasagap namin, this 2024 daw ilalabas ang mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *