DAPAT palakpakan natin at papurihan ang think-tank ng Regal Entertainment at Star Cinema dahil sa idea nilang ipalabas nang mas maaaga sa Metro Manila Film Festival 2016 ang “Chinoy Mano Po 7” ni Richard Yap at “The Super Parental Guardians” na tinatampukan nina Vice Ganda at Coco Martin plus Onyok and Awra.
Yes dahil every year ay panata ni Vice na makapagbigay ng regalo sa kaniyang fans, kasado na ang showing ng Star Cinema movie nila ni Coco ngayong November 30 at sa December 14 naman ang regular showing ng Mano Po at good news sa lahat ng tumatangkilik ng MMFF Parade of the Stars plano ng mom and daughter na sina Mother Lily at Roselle Monteverde na magkaroon ng sariling grand parade ang ipinagmamalaking pelikula na inisnab ng pestibal.
Hindi lugi ang mga kababayan natin kapag natuloy ito dahil maraming artista ang kasali sa Mano Po.
Samantala ang inaabangan ngayon ng entertainment media ay announcement naman mula kay Bossing Vic Sotto na binalewala rin ng MMFF ang supposedly entry na “Enteng Kabisote 10 The Abangers.”
Well as we heard, baka ipalabas rin daw ni Bossing at ng mga co-producer ang movie nila either on November 30 o December 7.
For us, ano man ang magiging playdate ng tatlong nabanggit na pelikula ay pare-parehong sure hit na sila sa takilya dahil tiyak na susuportahan ng moviegoers ang mini-festival nilang ito.
Walang duda gyud!
FREDDIE AGUILAR DINUDUMOG SA KANYANG REGULAR
GIG SA KA FREDDIE’S SA CITYSTATE TOWER HOTEL
Bukod sa ibinigay sa kanyang weekend two hour show sa DWIZ na “Pusong Pinoy” ng mga head ng ALIW Broadcasting na magkapatid na sir Edgard at Randy Cabangon na maririnig sa DWIZ every Sunday from 10 pm to 12 midnight ay regular na rin mapapanood ng kanyang fans si Freddie Aguilar sa kanyang bagong bukas na Ka Freddie’s sa Citystate Tower Hotel na pag-aari rin ni Sir Edgard.
Unang gabi pa lang ni Kaka Freddie ay jampacked na ang buong venue at lahat ng nanood ay nasiyahan sa pakikinig sa mga inawit ng Ama ng mga pinasikat na kanta tulad ng Anak, Magdalena, Ipaglalaban Ko, Kumusta ka at marami pang iba.
Tuwing Sabado at Wednesday once a month ang stint ng nasabing Pinoy Icon. May iba ring artists, na nagpe-perform. Nakita na namin ang nasabing Music Bar, at maging kami ay napahanga sa ganda ng lugar.
Bahagi na rin si Aguilar sa palaki nang palaking ALC Group of Companies na pinamumunuan din ni DEAC (Sir Edgard). Matatagpuan pala ang Ka Freddie’s #Citystate Tower Hotel sa 1315 Mabini St., Ermita Manila, malapit sa Robinson’s Place sa Manila.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma